ABSTRAK
Sa tatlumpung tomo ng Malay na nailathala sa loob ng mahigit tatlong dekada, hindi maikakaila ang malaking papel nito sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Mula sa paglalathala ng mga artikulo ukol sa wika, ang multi/ interdisiplinaryo nitong kalikasan ang nagbigay-daan sa paglalathala nito ng mga artikulo sa iba’t ibang disiplina at larang. Sa papel na ito, sinarbey ang mga artikulong may kinalaman sa pagsasalin mula taong 2009 hanggang 2018. Tinalakay ang mga artikulo batay sa iba’t ibang kategorya; tema at nilalaman, ang daloy ng pagtalakay; mga teorya, teorisista, mga konseptong nabanggit; mga mahahalagang puntong nabanggit; at ang kongklusyon nito.
Mga susing salita: Malay, pagsasalin, iskolarling papel, pananaliksik, wikang Filipino
ABSTRACT
For more than three decades, Malay journal has played a major role in the intellectualization of the Filipino language. Aside from publishing language-focused articles in its 30 volumes, its multi/inter disciplinary nature became a platform in publishing articles in other disciplines and field of studies. This paper surveyed articles about translation published in Malay journal from 2009 to 2018. In the discussion, the articles were categorized by: theme and content; the flow of discussion; the theories, theorists, and concepts that were mentioned and used; the important points conveyed; and the conclusion of the articles.
Keywords: Malay, translation, scholarly paper, research, Filipino language