Raquel E. Sison-Buban
ABSTRAK
Mabigat ang mga hamong kinakaharap ng ating mga tagasalin dahil nalalapit sila sa mga panganib na pangkalusugang dulot ng pandemyang COVID-19. Katulad ng ating medical frontliners, ang mga tagasalin ang inaasahang tagapaghatid ng mga impormasyong pangkalusugan para sa ating mga kababayang hindi gaanong nakakaunawa ng wikang Ingles, at hindi gaanong nakaririnig. Tatlo ang pangunahing talakay sa papel na ito: (1) ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pagsasalin sa panahon ng pandemya; (2) ang mahahalagang tungkulin ng mga tagasalin sa panahon ng krisis; at (3) ang mga pangunahing konsiderasyong dapat isaalang-alang upang madaling magampanan ng mga tagasalin ang kanilang tungkuling maipaabot ang wastong impormasyon sa pinakamabilis na paraan.
Mga susing salita: COVID-19, boluntir na mga tagasalin, new normal, pandemya, pagsasalin
ABSTRACT
Translators now face difficult and challenging times because of the health risks associated with the COVID 19 pandemic. Like our frontliners, they are the ones primarily responsible for disseminating health information to our fellow citizens who are not proficient in the English language and to those who are hearing impaired. There are three objectives that this paper would like to address: (1) the importance of translators during pandemic; (2) the primary duties of translators during crisis; and (3) the major considerations to observe that would enable translators to convey the right information in the quickest way possible.
Keywords: COVID-19, volunteer translators, new normal, pandemic, translation