Tungkol sa May-akda
Si Alejandro R. Roces ay isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, at opisyal ng gobyerno. Siya ay isinilang noong 13 Hulyo 1924 kina Rafael Roces and Inocencia Reyes. Si Irene Viola ang kaniyang napangasawa, apo ni Maximo Viola na naglimbag ng nobelang Noli me tangere sa Alemanya. Silá’y nagkaroon ng isang anak na si Elizabeth. Nagtapos siyá ng elementarya at hayskul sa Ateneo de Manila University, ng Batsilyer sa Sining sa Literatura sa State University of Arizona, at ng master sa Far Eastern University na pinaglingkuran niyá bilang propesor at dekano ng Instituto ng Sining at Letra. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2003.
Likas na sa mga Pilipino ang pagkahumaling sa iba’t ibang uri ng sugal o maging mga libanagan, ang kontekstong may kinalaman sa usaping ito ay kakabit ng kultura at buhay ng isang indibidwal. Ang maikling kwentong isinalin sa Filipino ay isang hakbang upang mas maging mainam ang pag-unawa ng mga mambabasa sa nasabing teksto at daan upang mas mapagyaman ang literaturang ating pinagmamalaki. Sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga materyal na tulad nito na isinulat ng tinaguriang National Artist for Literature (2003) ay makatutulong nang husto upang mas mailapit sa masa ang kaniyang likha at makapagbukas ito ng mas malawakang pag-unawa sa nakararami. Ang maikling kuwentong ito gaya ng marami pang nalikha na ay nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa kaugnay ng usaping may kinalaman sa sugal (pustahan), kasarian, at maging ang konsepto ng pamilyang Pilipino. Sa kabuuan, dala-dala ng maikling kuwentong ito hindi lamang ang mga karangalang tinamo kundi maging ang layuning makapag-iwan ito ng kapaki-pakinabang na aral sa mga makababasa at sa dahilan pa lamang na iyon masasabing tunay na karapat-dapat isalin ang materyal na ito sa wikang Filipino.
Philippine Literature: My Brother’s Peculiar Chicken. (2010). http://gabrielslibrary.blogspot.com/2010/04/my-brothers-peculiar-chicken-alejandro.html