Si Ralph Waldo Emerson ay isang Amerikanong tagapangaral, mananaysay, makata, guro, pilosopo at itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang manunulat sa Estados Unidos noong ika-19 na siglo. Ipinanganak siya sa Boston, Massachusetts noong Mayo 25, 1803. Nag-aral siya sa Harvard College (ngayon ay Harvard University) noong 1817 sa edad na 14. Nagtapos siya noong 1921 at nagturo rin sa nabanggit na unibersidad.
Nang mamatay ang kaniyang asawang si Ellen Louisa Tucker dahil sa tuberculosis noong 1831, dalawang taon matapos nilang ikasal noong 1829, nagsimula na siyang mag-alinlangan sa doktrinang Kristiyano at bumuo ng sarili niyang pilosopiya sa pangangaral sa mga tao. Noong 1830, naging malayang manunulat na siya ng panitikan. Namatay siya noong 1882.
Si Terminus ay isang Griyegong diyos ng katapusan at hangganan. Inilalarawan niya ang persona bilang isang matandang lalaki na kailangan nang isuko ang mga pangarap nito sa buhay. Kailangan na lamang niyang pangalagaan ang kaniyang sarili. Si Terminus ay hindi na dapat pang magbunga ng mga bagong prutas na katulad ng isang kasisibol pa lamang na puno. Dapat na lamang niyang pangalagaan ang nauna na niyang bunga at humanda nang harapin ang kaniyang kamatayan.