Anijun Mudan-udan’s Mga Gapnod sa Kamad-an: Preliminary Discussion on Discourses of Power in Translating Indigenous Literature
Gina Mae L. Lagnason
Raquel E. Sison-Buban
ABSTRAK
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsasalin sa pagkakamit ng pambansang hangarin. Mapatutunayan ito una, sa panahong nagdaan, kung kailan naging napakaimpluwensiyal nito sa pagkakasiil ng bansa mula sa mga mananakop. Ikalawa, sa kasalukuyan, kung kailan naging isa itong daan sa higit na pagpapaunlad ng wikang pambansa sa pamamagitan ng paglalabas ng mga akdang salin na may pinakapaham na pagkagamit ng wika gayundin ang pagsasagawa ng kritisismo sa mga produkto ng salin. Layunin ng pag-aaral na maipaabot ang nobelang “Mga Gapnod sa Kamad-an” sa iba pang mambabasang Pilipino na maaaring hindi nakauunawa sa wika ng simulaang teksto (Binisaya-Binukid). Maglalatag ang papel na ito ng posisyon hinggil sa kung paano nga ba dapat isinasalin sa Wikang Filipino ang nobelang Binisaya-Binukid. Kabilang sa usapin ang pagtingin sa mga isyung maaaring kaharapin ng tagasalin, mga diskursong maaaring lumutang sa paghahanap ng ipantutumbas sa mga gawi at ideya, gayundin ang pagtatawid ng kultura ng simulaang teksto papunta sa tunguhang teksto.
Mga susing salita: ang konsepto ng “pambansang panitikan”, kahingiang kultural, mga diskurso sa pagsasalin
ABSTRACT
The role of translation in achieving national goals is of vital importance. This claim is proven, firstly in the past, when translation became very influential in the suppression of the country. Secondly, in the present, when translation has become a way to further develop the national language through translating literature and conducting criticisms of translated works. The purpose of the study is to relay the novel "Mga Gapnod sa Kamad-an" to other Filipino readers who may not understand the language of the source text (Binisaya-Binukid). This paper aims to present a position regarding how the novel Binisaya-Binukid should be translated into Filipino. This process includes managing and solving the issues in the translation process the translator may face, the different discourses in the actual translation, and the cultural nuances in the two (2) languages involved.
Keywords: the concept of “national literature”, cultural needs, discourses in translation