An Introspective Analysis of the Translation Process of Vicente Yap Sotto's "Maming"
Mark Anthony S. Angeles
ABSTRAK
Ang pagsasalin sa wikang Filipino ng “Maming” ni Vicente Yap Sotto, ang tinaguriang Ama ng Wika at Panitikang Sebwano, ay bahagi ng pagtalima sa mungkahi nina Bienvenido Lumbera at Rosario Cruz Lucero tungkol sa papel ng rehiyonal na panitikan bilang pambansang panitikan at pagsasalin ng mga akdang pampanitikan sa rehiyon patungo sa wikang Filipino para maging bahagi ng kanon ng panitikang pambansa. Para sa maraming nag-aaral ng panitikang Filipino, ang nasabing akda ang itinuturing na pinakaunang maikling kuwentong Sebwano. Sa mga iskolar, ito ang kauna-unahang sugilanon o kuwentong Sebwano. Binubuksan nito ang paghahambing sa sugilanon na kapuwa maikling kuwento at nobela at sugilagming na akdang mas maikli sa nobela— kung gayon, maikling kuwento—sang-ayon na rin sa taguri ni Uldarico Alviola. Hinihingi ng pagkakataon na maisalin ang “Maming” dahil ito ang itinuturing na kauna-unahang dagli. Sugilanon ito ni Taga-Kotta, na sagisag-panulat ni Sotto, nang una itong nalathala sa Ang Suga noong 16 Hunyo 1901 at muling nalathala sa Bag-ong Kusog Tomo IX, bilang 105 noong 20 Hunyo 1924. Gayon man, wala pang salin sa Filipino ang nasabing akda. Hindi ito kasama sa koleksiyong Labindalawang Kuwento ni Vicente Sotto, mga salin sa Filipino ni Remedios B. Ramos at pinamatnugutan ni Erlinda K. Alburo. Isinalin ang “Maming” gamit ang relay translation at kaunting kaalaman sa Sebwano. Sa papel na ito, titimbangin kung dapat ba itong ituring na dagli o proto-dagli. Tatalakayin din ang lugar ng akda at ng iba pang sugilanon ni Sotto bilang mga bagong naratibong bumaklas at wumasak sa siglo-siglong tradisyong isinubo sa atin ng mga mananakop na Espanyol.
Mga susing salita: dagli, Maming, pagsasalin, sugilanon, Vicente Yap Sotto
ABSTRACT
Translating “Maming” by Vicente Yap Sotto, the Father of Cebuano Language and Literature, into Filipino follows the ideas of Bienvenido Lumbera and Rosario Cruz Lucero regarding the role of regional literature as national literature and the translation of literary works in the region to the Filipino language to become part of the canon of national literature. For many students of Filipino literature, the said work is considered the very first Cebuano short story. According to scholars, it is the first sugilanon or Cebuano tale. It opens the comparison between sugilanon, which refers to both short story and novel, and sugilagming, a fictional work shorter than a novel—thus, a short story—in the words of Uldarico Alviola. It is imperative to translate “Maming” because it is considered as the first dagli. This sugilanon was written by Taga-Kotta, Sotto’s nom-de-plume, when it was first published in Ang Suga on 16 June 1901 and republished in Bag-Kusog Volume IX, number 105 on 20 June 1924. However, there is no translation of the said work into Filipino. It is not included in the collection Labindalawang Kuwento ni Vicente Sotto, translated into Filipino by Remedios B. Ramos and edited by Erlinda K. Alburo. Relay translation was used to translate “Maming” into Filipino with a little knowledge of Cebuano. This paper will also ponder on whether the literary work should be considered dagli or proto-dagli. “Maming” and Sotto’s other sugilanon will also be locate as innovative narratives that break away and destroy the centuries-old tradition handed down to us by our Spanish conquerors.
Keywords: dagli, Maming, sugilanon, translation, Vicente Yap Sotto