The Part played by Labour in the Transition from Ape
to Man Friedrich Engels: An Indirect Eco-translation
Jose Monfred C. Sy
ABSTRAK
Nilalayon ng papel na ito na isalin ang sanaysay na “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1867) ni Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) mula sa salin nito sa wikang Ingles tungo sa Filipino. Kilala si Engels bilang katuwang ng pilosopo’t ekonomistang pampolitika na si Karl Marx. Gayunman, hindi matatawaran ang mga ambag niya sa mga larangan ng antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, at ekolohiya. Isa na rito ang isinasaling sanaysay na nagpapaliwanag sa mapagpasyang bahaging ginampanan ng paggawa sa pagpapaunlad ng utak, pandama, at mga organo ng pagsasalita ng tao na naging giya ng pagtataguyod ng mga unang lipunan. Isinasalin ko ang sanaysay na ito bilang “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao.” Hinuhubog ang proyektong ito ng dalawang oryentasyon sa pagsasalin: una, ang di-tuwirang pagsasalin, at ikalawa, ang tinatawag na “eko-pagsasalin.” Isinisiwalat ng pinagsamang pagsusuring-salin at akdang-saling ito ang proseso sa likod ng di-tuwirang eko-pagsasalin batay sa salin sa Ingles ni Clemens Dutt at sa konteksto ng wika ng Kilusang Pambansa-Demokratiko. Ipinapalagay na sa pagsasalin ng mga akdang teknikal tulad ng kay Engels, mapapalawak pa lalo ang leksikon ng ating pambansang wika at ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa pilosopiya ng ekolohiya sa panahon ng tumitinding krisis sa klima at kalikasan
Mga susing salita: di-tuwirang pagsasalin, Dialectics of Nature; Engels, Friedrich; eko-pagsasalin paggawa; wika ng Kilusang Pambansa-Demokratiko
ABSTRACT
This paper aims to present a translation of “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1867) by Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) from one of its translation in the English language to Filipino. Engels is known as the collaborator of philosopher and political economist Karl Marx. However, Engels’ contributions to the fields of anthropology, history, philosophy, and ecology cannot be discounted. One such contribution is the essay at hand where he explained the decisive role played by labor in the development of the human brain, senses, and vocal organs that became the bases of the establishment of the first societies. I translate this essay as “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao.” My project is shaped by two orientations in translation: firstly, indirect translation, and secondly, what is called “eco-translation.” This combined translation analysis and translated work demonstrates the process behind an indirect eco-translation based on the English translation of Clemens Dutt and within the context of the National Democratic Movement’s languaging. I suggest that by translating technical works like that of Engels, we can expand both the lexicon of the national language and the Filipino’s understanding of the philosophy behind ecology in the time of worsening climatic and environmental crisis.
Keywords: indirect translation, Dialectics of Nature, Engels, Friedrich, eco-translation, labor, language of National Democratic Front