*Abiku – ‘batang kaluluwa’: isang batang itinakdang mamatay nang maaga at paulit-ulit na isilang ng iisang ina.
**Baobab: (Scientific name: Adansonia digitata). Katutubo sa Madagascar, Africa, at Australia. Itinuturing itong icon o isa sa mga sagisag ng kontinenteng Africa. Ang balat at bunga ng punong ito ay may mahigit 300 gamit bilang pagkain, gamot, kanlungan, at iba pa. Hindi kataka-takang ito ay “puno ng buhay” para sa mga Africano.
***Harmattan: malamig at tuyong hanging umiihip sa silangang baybaying Africa at pinakamalakas kapag magtatapos ang Nobyembre hanggang kalahatian ng Marso. May dala itong sobrang alikabok.
Tungkol sa May-akda
Si John Pepper Clark-Bekederemo (1935-2020) na naglathala ng kanyang mga akda sa pangalang John Pepper Clark o J. P. Clark, ay peryodista, mandudula, makata at iskolar mula sa Nigeria. Nagsagawa siya ng mga saliksik sa mga mito at alamat ng kanyang bayan at ginamit ito sa kanyang mga obra. Sa tulang ito, ginamit niya ang paniniwalang bayan sa nilalang na tinatawag na abiku, o batang kaluluwa, na paulit-ulit na isinisilang ng iisang ina.