ABSTRAK
Layunin ng papel na ito na pagkumparahin ang salin ng mananaliksik at salin ng ChatGPT mula Wikang Espanyol tungo sa Wikang Filipino ng Marella y la Inquietud Romántica de la Revolución na isinulat ni Francisco Zaragoza. Inilimbag noong 1954 ang nasabing talambuhay upang magbigay pugay sa kabayanihang ginawa ni Gliceria Marella Villavicencio. Hindi tulad ng mga karaniwang talambuhay, naglalaman ito ng masining na mga salita at matulaing pagpapahayag. Gamit ang lente ng Idyomatikong Salin ni Mildred Larson at Saling Semantiko-Komunikatibo ni Peter Newmark, pinagkumpara ang dalawang salin gamit ang sumusunod na mga sukatan: (1) angkop na katumbas ng mga matalinghagang salita, (2) tamang balangkas sa tunguhang lengguwahe o TL, at (3) natural na paraan ng pagpapahayag. Bagama’t nakita ang potensiyal ng ChatGPT na makapagsalin ng teksto sa Wikang Filipino, natuklasan din na: (1) hindi kayang tumbasan ng ChatGPT ng angkop na salita ang mga masining na pahayag, (2) hindi balangkas ng TL bagkus ay balangkas ng simulaang lengguwahe o SL ang sinusundan ng ChatGPT na nagreresulta sa malabong mensahe at (3) hindi natural sa TL ang paraan ng pagsasalin ng ChatGPT sa mga matalinghagang pahayag. Mahihinuha mula sa pag-aaral na ito na mas nakahihigit ang salin ng mananaliksik kaysa salin gamit ang ChatGPT sa tatlong sukatang nabanggit.
Mga Susing Salita: akdang pampanitikan, talambuhay, manwal na pagsasalin, pantulong na makina ng pagsasalin, ChatGPT
ABSTRACT
The paper aims to make a comparative analysis between the translation of the researcher and ChatGPT’s translation of Marella y la Inquietud Romántica de la Revolución by Francisco Zaragoza from Spanish to Filipino. The biography was published in 1954 to honor the heroic deeds of Gliceria Marella Villavicencio. Unlike typical biographies, it contains artistic language and poetic expressions. Using Mildred Larson's Idiomatic Translation and Peter Newmark's Semantic-Communicative Translation, the two translations were compared based on the following criteria: (1) appropriate equivalence of figurative expressions, (2) correct structure in the target language (TL), and (3) natural style of expression in the TL. While ChatGPT's potential to translate texts into Filipino was observed, the study also revealed that: (1) ChatGPT could not provide appropriate equivalents for artistic expressions, (2) it followed the structure of the source language (SL) rather than the TL, resulting in unclear messages, and (3) its translations of figurative expressions did not sound natural in the TL. The study concludes that researcher’s translation surpasses ChatGPT’s translation in the three aforementioned criteria.
Keywords: literary work, biography, manual translation, machine-assisted translation, ChatGPT