ABSTRAK
Sa nakalipas na mga taon, dulot ng sunod-sunod na likas at gawa-ng-taong trahedya sa Pilipinas, naging isang mainit na usapin ang epektibo at matalinong pagpaplano sa paggamit ng yamang lupa at tubig ng bansa. Naging matunog ang resiliency at ang isa sa mga susi sa pagkamit nito – ang mahusay na pagpaplanong urban at rural. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng bansa ng bolyum-bolyum na materyal kaugnay ng pagpaplano sa paggamit ng lupa, hindi ito lubos na nakararating sa kabatiran ng publiko. Isa sa mga salik ay ang pagkakasulat ng mga ito sa wikang Ingles at ang labis na pagsandig ng disiplina sa banyagang wika. Layunin ng saliksik-salin na ito na manguna sa pagsasalin ng mga gabay sa komprehensibong pagpaplano sa paggamit ng lupa (guidelines on comprehensive land use plan), isa sa mga pangunahing materyal na nagiging batayan sa mga proyektong pangkaunlaran sa mga lungsod at munisipalidad. Kaugnay nito, gagaygayin din ng saliksik-salin ang mga hamon at suliraning hinarap ng tagasalin sa gawaing pampagsasalin ng materyal at ilalatag ang mga realisasyong sumasalamin sa realidad ng pagsasalin ng materyal at sa estado at lugar ng wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas sa larang ng pananahang pantao, pagpaplano sa paggamit ng lupa, at pagpaplanong urban at rehiyonal.
Mga Susing Salita: komprehensibong plano sa paggamit ng lupa (CLUP), pananahang pantao, pagpaplanong urban at rehiyonal, pagpaplanong pangkapaligiran, pagsasalin
ABSTRACT
In recent years, due to successive natural and human-made disasters in the Philippines, the effective and strategic planning of the nation’s land and water resources has become a pressing issue. The discourse on resiliency has gained prominence, and one of its key components is sound urban and rural planning. However, despite the country’s extensive volume of materials related to land use planning, these resources have not been fully disseminated to the public. One major factor is that such materials are written in English and the discipline’s heavy reliance on a foreign language. This translation study aims to pioneer the translation of guidelines on the Comprehensive Land Use Plan (CLUP), a key reference material for development projects in cities and municipalities. Alongside this, the study will also confront and illustrate the challenges and issues faced by the translator in the actual practice of translation, while presenting realizations that reflect the realities of translation work and the status and position of Filipino and the other Philippine languages in the fields of human settlement, land use planning, and urban and regional planning.
Keywords: Comprehensive Land Use Plan (CLUP), human settlements, urban and regional planning, environmental planning, translation