ABSTRAK
Daan para sa iba’t ibang anggulo ng pag-aaral at pananaliksik ang tinatawag na pangkasalukuyang kondisyong pangkaisipan, ang Autism Spectrum Disorder. Kahit na sinasabi ito bilang isang spectrum, ang bawat taong nasusuri ng ganito ay may iba’t ibang paraan upang maunawaan ang kanilang mga kilos, gawi at ang kanilang pakikipag-ugnayang hindi verbal. Subalit, may ibang paraan upang maintindihan/maisalin ang mga ito. Sa larangan ng pagsasalin, maaari itong matukoy sa pamamagitan ng multilingualism na ikinokonsidera bilang mga pre textualities bilang paraan upang masuri ang nais nitong ipabatid na mensahe. Sa kondisyon ng mga may ASD, itinuturing ang mga pre textualities bilang paraan upang kanilang maipahayag kung anuman ang kanilang nararamdaman o naiisip na kakaiba para sa iba. Ang ganitong mga kondisyon ay itinuturing na stimming na karaniwan ay nagagawa sa pamamagitan ng pagkukumpas ng mga kamay, paggalaw ng ulo, hindi pakikipagtitigan, pagtakbo at mga katulad nito. Batid naman ng nakakarami na may sariling wika at kagawian ang mga may autismo na siyang tumutukoy kung sino sila. Nakatuon din ang pag-aaral sa pakikipagsapalaran ng isang batang babaeng may autismo at kung paano bibigyan ng interpretasyon at maiintindihan ang kanyang mga wika at ikinikilos na siyang daan upang maatim ang tinatawag na intersection (pagsasangandaan) o ang landas upang matanggap ang lahat ng mga sektor sa lipunan na nangangailangang maging bahagi ng pangkalahatan.
Mga Susing Salita: autism, multilingualism, pagsasalin, stimming, intersectionality
ABSTRACT
Autism Spectrum Disorder (ASD) is recognized as a prevalent neurodevelopmental condition of this generation, opening diverse avenues for scholarly inquiry. As a spectrum, individuals with ASD demonstrate varied ways of interpreting their actions, gestures, and non-verbal communication, which requires frameworks for understanding and translation. From a translation studies perspective, ASD can be examined through the lens of multilingualism, wherein pretextualities serve as a basis for interpreting meaning. In this context, pretextualities refer to the factors that shape how individuals with autism express their thoughts and emotions, often in forms that may appear unusual to others. Such behaviors are often associated with “stimming,” which involves repetitive movements such as hand flapping, head shaking, avoidance of eye contact, or running. While these behaviors may be perceived as atypical, they function as meaningful communicative acts. Each individual with autism, therefore, possesses distinct communicative patterns and mannerisms that form a unique language reflective of their condition. This study explores the struggles of a girl with autism, focusing on how her languages and gestures may be interpreted and understood. By examining these communicative practices, the study underscores the need for intersectional approaches that recognize neurodiverse expressions as valid and necessary, thus advancing the call for acceptance, participation, and inclusion within society.
Keywords: autism, multilingualism, translation, stimming, intersectionality