Karanasan ng mga Guro ng Filipino sa Pagsasaling-wika Mula sa mga Paaralang Miyembro ng CEAP sa Lungsod Baguio
Lived Experiences of Filipino Teachers in Translation from CEAP Member Schools in Baguio City
Gina O. Padua
Joselito C. Gutierrez
Gina O. Padua
Joselito C. Gutierrez
ABSTRAK
Ang pagsasaling-wika ay isang kasanayan na kailangang malinang sa mga guro ng wika. Ito ay nakatutulong sa kanilang pagtuturo gayundin sa kanilang personal na paglago at pagpapahalaga mula sa kasanayang ito. Binigyang tuon ang mga hamon at suliranin na kinakaharap ng mga guro ng Filipino at kung paano nila ito napagtatagumpayan. Ginamitan ng kwalitatibong metodo sa pamamagitan ng disenyong penomenolohikal. Nabigyan ng dalawang (2) akda ang mga gurong kalahok upang masiyasat ang kalakasan at kahinaan nila sa pagsasalin. Binigyang pansin sa pagwawasto sa mga akdang ito ang kategoryang katumpakan at pagpapahayag. Nagkaroon din ng pangangasiwa ng focus group discussion upang malaman ang kanilang karanasan partikular ang mga nakaharap nilang hamon at suliranin. Ang mga lumabas na hamon at suliranin ay kahinaan sa talasalitaan, pagpapanatili ng orihinal na konteksto ng mga malikhaing akda, kahinaan sa pag-unawa sa nilalaman ng akda, kulang sa kaalaman ng estruktura ng wika, at ang pabago-bagong tuntunin sa pagsasalin ng wikang Filipino. Sa kabila ng mga hamon at kahinaan ng mga guro sa pagsasalin ay kanila pa rin itong napagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa bawat isa, pananaliksik at pagbabasa, propesyunal na pagpapalago, at pagiging malikhain at mapamaraan sa pagtuturo. Ipinakita nito na ang mga guro ay determinado na matuto at ipagpatuloy pa ang gawaing ito hindi lamang para sa kanilang mga mag-aaral kundi pati na rin sa kanilang personal at propesyunal na paglago.
Mga susing salita: hamon, suliranin, pagsasalin, napagtatagumpayan, guro
ABSTRACT
Translation is a skill that must be cultivated among language teachers, as it contributes not only to their teaching practice but also to their personal growth and professional development. This study examined the challenges and difficulties encountered by Filipino language teachers in translation and the ways through which they addressed them. A qualitative method was employed, utilizing a phenomenological design. The teacher-participants were provided with two (2) texts to assess their strengths and weaknesses in translation, with particular attention given to the categories of accuracy and expression during evaluation. A focus group discussion was likewise conducted to further explore their experiences, especially the challenges they faced. The findings revealed difficulties related to vocabulary, maintaining the original context of creative works, comprehension of the text’s content, limited knowledge of language structures, and the constantly changing rules of Filipino translation. Despite these challenges, the teachers managed to overcome them through collaboration, research and reading, professional growth, as well as creativity and resourcefulness in teaching. These results highlight the determination of teachers to continuously learn and engage in translation, not only for the benefit of their students but also for their own personal and professional development.
Keywords: challenges, problems, translation, overcoming, teachers