Si Ajisaka at Kung Paano Nabuo
ang Alpabetong Javanese
Israel De Ocampo
The Legend of Ajikasa, Birth of Javanese Alphabets
The Legend of Ajikasa, Birth of Javanese Alphabets
Tungkol sa Alamat
Ang alamat na Si Ajisaka at Kung Paano Nabuo ang Alpabetong Javanese ay isang pasalitang tradisyon na nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa Isla ng Java, Indonesia. Tulad ng ibang bansang may sariling wika, ang Javanese ay may sariling alpabeto na tinatawag na Hanacarakan o Carakan. Tinatawag din ito sa katawagang Dhentawyanjana. Sa alpabetong ito, ang unang linya ay mga titik na ha, na, ca, ra, at ka.
Sinabi sa alamat na ang lumikha ng Hanacarakan ay si Ajisaka. Siya ang unang pinuno sa Isla ng Java, Indonesia ayon sa matandang paniniwalang nagsimula pa noong 78 A.D. Bukod dito, siya rin ang lumikha ng Kalendaryong Saka na ipinangalan din sa kanya. Dahil ito ay mito, may ilang bersyon ang alamat na ito.