ABSTRAK
Ang papel na ito ay isang kritikal na dokumentasyon ng proseso ng isinagawang pagsasalin sa sanaysay ni Aurora E. Batnag na tumatalakay sa kasaysayan ng pagsasalin sa Pilipinas. Bagaman mahalaga ang nilalaman ng isinaling akda na sumusubaybay sa pag-unlad ng pagsasalin mula sa panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyang konteksto ng propesyonalisasyon, nakatuon ang papel sa mga hakbangin at pasyang isinagawa bilang tagasalin. Ginamit ang meaning-based translation bilang pangunahing teoretikal na balangkas at nagsilbing gabay sa pagpili ng panumbas batay sa konteksto, layunin, at diwa ng orihinal. Isinaalang-alang sa proseso ang paghahati sa mga talata, pagbasa at pag-unawa sa kabuuang mensahe, pagbubuo ng sunud-sunod na borador, at konsultasyon sa mga diksyonaryo at target na mambabasa. Tinalakay rin ang mga hamon tulad ng pagtutumbas sa mga terminong may bitbit historikal at kultural, gayundin ang pagsasaayos ng estruktura ng pangungusap upang maging natural sa Filipino. Sa bawat hakbang, pinairal ang prinsipyo ng komunikatibong bisa ng salin, at tiniyak na nauunawaan ng target na mambabasa ang mensahe ng orihinal. Higit sa paglalapat ng katumbas na salita, sinikap sa papel na ito na ipakita kung paanong ang pagsasalin ay isang gawain ng pag-unawa sa wika, sa konteksto, at sa mambabasa, na hindi natatapos sa teksto kundi patuloy na umuusbong sa bawat pasya at pagtimbang ng tagasalin.
Mga Susing Salita: pagsasalin, meaning-based translation, proseso ng pagsasalin, komunikatibong salin, dokumentasyon ng salin
ABSTRACT
This paper is a critical documentation of the translation process undertaken for Aurora E. Batnag’s essay, which discusses the history of translation in the Philippines. While the content of the translated work is significant, tracing the development of translation from the colonial period to its current state of professionalization, this paper focuses on the steps and decisions made during the act of translation. Meaning-based translation served as the primary theoretical framework, guiding the selection of equivalents based on context, intent, and the original text’s overall meaning. The process involved segmenting the text by paragraph, reading and interpreting the message holistically, drafting multiple versions, and consulting both dictionaries and target readers. The paper also discusses challenges such as finding equivalents for terms with historical and cultural resonance, and restructuring sentence forms to sound natural in Filipino. At every stage, communicative effectiveness was prioritized to ensure that the intended message of the source text was clear to the target audience. Beyond the search for lexical equivalents, this paper seeks to illustrate how translation is an act of deep understanding of language, context, and readership, that does not end with the final text but continually unfolds through the translator’s choices, judgments, and interpretive decisions.
Keywords: translation, meaning-based translation, translation process, communicative translation, translation documentation