Tungo sa Re-Oryentasyon
ng Araling Pampanitikan
Evelyn P. Antonio
Gerome Nicolas Dela Peña
Towards a Re-Orientation of Literary Studies
Sanaysay ni Rolando S. Tinio
Towards a Re-Orientation of Literary Studies
Sanaysay ni Rolando S. Tinio
Tungkol sa May-akda
Si Rolando S. Tinio (Marso 5, 1937 – Hulyo 7, 1997) ay Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Panitikan. Siya ay kilala at respetadong mandudula, aktor, makata, guro, kritiko, at tagasalin. Nagtapos siya ng kaniyang digri sa Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas (Magna Cum Laude) noong 1955 at ng kaniyang Master of Fine Arts in Creative Writing: Poetry sa University of Iowa, United States. Sa kabila ng kaniyang pagsasanay at kasanayan sa wikang Ingles, unti-unti rin niyang tinahak ang pagsusulat sa Tagalog o Taglish mula sa kaniyang koleksiyon ng mga tula na Bagay at Sitsit sa Kuliglig, na naging kaniyang tatak o estilo sa panulaan. Prominente rin ang kaniyang trabaho sa entablado, partikular sa kaniyang panahon sa Ateneo Experimental Theater. Bukod sa kaniyang mga malikhaing akda at produksiyon, matalas din ang kaniyang mga panlipunang komentaryo at kritisismo sa araling pampanitikan, patunay rito ang kaniyang mga artikulo sa mga pang-akademikong diyornal tulad ng Philippine Studies noong unang bahagi ng Dekada ’70.