Si Christoffer Mitch C. Cerda ay guro sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila. Nagtapos siya ng BFA Creative Writing at MA Panitikang Filipino sa parehong pamantasan at ng Ph.D. Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Inilathala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Ateneo Insititute of Literary Arts and Practices (AILAP) bilang bahagi ng UBOD New Authors Series II ang kaniyang chapbook ng mga maikling kuwento na pinamagatang Paglalayag Habang Naggagala ang Hilaga at Iba Pang Kuwento. Nalathala na rin sa mga journal at antolohiya ang kaniyang mga maikling kuwento at mga kritikal na sanaysay tungkol sa nobelang pangkasaysayan at video game na Filipino.Â
Maaaring makipag-ugnayan sa kaniya sa ccerda@ateneo.edu.