Tinatangka ng mapang ito na ipakita ang mga lugar sa Pilipinas na binanggit sa ilang piling nobelang pangkasaysayan. Batay ang datos na ito sa disertasyon kong pinamagatang Katwiran ng Kasaysayan: Ang Alegoryang Pangkasaysayan at ang Diskurso ng Kasaysayan, Nasyunalismo, at Bayan sa mga Nobelang Pangkasaysayan sa Wikang Tagalog, 1905-1927. Ang ipinagkaiba ng bersiyon na ito sa naunang bersiyon ay ang pagtukoy ng mga lugar na binabanggit nang paulit-ulit sa pagitan ng mga nobela. Higit na malaki ang bilog, higit na binabanggit. Higit na marami din ang bilog na kulay asul (2 hanggang 5 banggit) at pula (kung higit sa 5 banggit). Nananating berde naman ang mga lugar na binabanggit lang ng isang beses.