Balangkas ng mga Taon Kung Kailan Ginanap ang mga Piling Nobelang Pangkasaysayan
Tinatangka ng graph na ito na ipakita kung kailan ginanap ang mga nobelang pangkasaysayan na sinuri sa aking disertasyong Katwiran ng Kasaysayan: Ang Alegoryang Pangkasaysayan at ang Diskurso ng Kasaysayan, Nasyunalismo, at Bayan sa mga Nobelang Pangkasaysayan sa Wikang Tagalog, 1905-1927. Mapapansing karamiha'y nakatagpo pa rin sa huling mga dekada ng ika-19 na siglo habang may ilan na nakatagpo noong bago dumating at magsimula ang pananakop ng mga Espanyol.