Tinatangka ng mapa na ito na ipakita ang mga lugar sa Pilipinas na binanggit sa ilang piling nobelang pangkasaysayan. Batay ang datos na ito sa disertasyon kong pinamagatang Katwiran ng Kasaysayan: Ang Alegoryang Pangkasaysayan at ang Diskurso ng Kasaysayan, Nasyunalismo, at Bayan sa mga Nobelang Pangkasaysayan sa Wikang Tagalog, 1905-1927. Kasama sa mga datos sa mapa ang pangalang historikal na ginamit sa mga nobela, mga nobelang binanggit ang mga lugar, at ilang beses binanggit ang isang lugar sa lahat ng mga nobela.