Ang krokis ay isang paraan ng pagdisenyo nang proyekto na nagpapakita ng mga detalye, kaanyuan at sukat. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng isang produkto. Mahalagang maisalarawan at maiplano ang proyekto bago ito gawin upang maiwasan ang mga pagkakamali habang ginagawa ang mga ito.
Ang pictorial view ang tawag sa mga paraan nang paglalarawan ng krokis. Ito ay nahahati sa tatlong kategorya. Isometric, Orthographic at Perspective.
Sa isometric view, pinapakita ang tatlong tanawin ng proyekto na nagreresulta nang pagiging 3-dimensional drowing o 3D nito. Kailangan ng 30x60 triangle upang makabuo ng isometric drowing. Sa pamamagitan ng krokis na ito, mas madaling makita ang magiging hitsura ng isang produkto.
Ipinapakita ng orthographic view ang iba't-ibang tanawin o views ng proyekto; ang tanawing pang-itaas o top view, tanawing pangharap o front view at tanawing pantagiliran o side view.
Ipinapakita dito ang tanawing pang-itaas ng proyekto.
Ipinapakita dito ang harap na bahagi ng proyekto.
Ipinapakita dito ang gilid na bahagi ng proyekto.
Ang perspective view ay hawig sa isometric ngunit ang hugis nito ay malaki sa unahan papaliit hanggang dulo. Ito ay makikilala dahil sa parang mula sa pananaw ng tagapagmasid at tulad ng pagtingin sa riles ng tren.
Sa paggawa ng isang proyekto, mahalagang isipin kung ano ang magiging kahihinatnan nito. Ang pagguhit ng disenyo o krokis ay dapat isaalang-alang dahil sa pamamagitan nito magiging tama at walang problema ang paggagawa ng proyekto at magsisilbing gabay sa pagbuo nito.
Ruler
30x60 degree triangle
Lapis
Pambura
Masking tape
Long bondpaper