Ang pagleletra ay may iba't-ibang disenyo o uri. Ang bawat uri nito ay may angkop na gamit. Sa pamamagitan ng pagleletra, mabilis natin makilala ang iba't-ibang kumpanya, gusali, mga palatandaan, atbp. May mga iba't-ibang uri ng pagleletra. Ito ay ang Gothic, Roman, Script at Text.
Ito ang pinakasimpleng uri ng pagleletra. Ginagamit ito sa mga ordinaryong disenyo. Isang halimbawa nito ay ang mga impormasyon na nakapaloob sa inyong libro na ginagamit sa paaralan. Ito ay rekomendado sa paggawa ng pagtatalang teknikal dahil ito ay simple, walang palamuti o dekorasyon. Ang mga bahagi nito ay magkakatulad ng kapal.
Ang uri ng letrang ito ay may pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay ginawang kahawig sa mga sulating Europeo. Ang mga popular na halimbawa nito ay ang mga sumusunod na font style, "Times New Roman", "Baskerville" at "Garamond" na maaaring makita sa Microsoft Word, Powerpoint at marami pang iba.
Ang uri ng letrang ito ay kahawig ng mga limbag na letra. Tinatawag rin itong "Old English". Ito ang istilong ginagamit kung nais mong ipakita na personalized o sulat kamay ang disenyo ng mga letra. Ginagamit ito noong unang panahon sa Kanlurang Europa at ito rin ang ginagamit ng mga Aleman sa pagsusulat.
Ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti o disenyo. Makikita ito sa mga sertipiko at diploma. Isa sa mga halimbawa ng font style na makikita sa iba't-ibang productivity software tulad ng Microsoft Word, Powerpoint, Excel at marami pang iba ay ang "Old English Text MC".