Basahin ang mga sumusunod na salita. I-drag at i-drop ang mga ito sa kaniyang tamang pangkat.
Preview
Pindutin ang numero upang mabuksan ang mga papel at maipakita ang mga tanong sa loob. Basahin ito nang maiigi at piliin ang tamang sagot.
Preview
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Ipasa ang inyong gawa sa guro.
Ano ang dalawang sistemang ginagamit sa sa pagsusukat?
Paano nagiging mahalaga ang kaalaman sa dalawang sistema ng pagsusukat? Magbigay ng sitwasyon na nagpapakita nang kahalagahan nito. Halimbawa, kapag bibili ng gamit sa bahay, pag-aari, o paggawa ng proyekto.
Mahalaga ba ang tamang paggamit ng dalawang pamamaraan ng pagsusukat? Bakit?
Panuto: Gamit ang inyong ruler, sukatin ang mga bagay na makikita mo sa inyong tahanan na katulad ng larawan sa ibaba. Isulat ang sukat gamit ang tamang yunit sa patlang katabi ng larawan. Kopyahin at iguhit ang mga sumusunod na bagay sa inyong sagutang papel. Ikahon ang may pinakamaiksing sukat at bilugan naman ang pinakamalaki. Ipasa ang inyong gawa sa guro.
Panuto: Kumuha ng isang malinis na papel at gumuhit ng isang bagay na nais mong gawing produkto tulad ng bag, laruan, accessories, atbp. Lagyan ito ng sukat gamit ang yunit mula sa sistemang Ingles o sistemang Metrik. Huwag kalimutan ang pagsulat ng tamang yunit ng sukat.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba, gamitin ang parehas na template.
Ihanda ang mga kailangang materyales:
Ruler, triangle, protraktor
lapis
short bond paper
pambura
pangkulay