Sa araling ito, matututunan ang mga angkop na kagamitan sa pagsusukat ng mga bagay. Mahalagang gumamit ng mga kasangkapang panukat upang maging matagumpay ang proyektong gagawin. May mga itinalagang gamit ang bawa't isa, mayroong gamit para sa pagkuha ng digri sa arko ng isang guhit, mayroon ding ginagamit para makuha ang taas ng isang mesa, at marami pang iba.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
 makikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat at ang tamang paggamit nito;
mapapahalagahan ang gamit ng mga naturang kagamitan.