Sa araling ito, matututunan ang dalawang sistema ng pagsusukat. Ito ang Sistemang Ingles at Sistemang Metrik. Matutuklasan rin ang kahalagahan nang tamang paggamit ng dalawang sistemang ito.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
nakikilala ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat;
nagagamit ang dalawang paraan ng pagsusukat sa mga proyektong gagawin;
napapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang pamamaraan ng pagsusukat.