Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat ng mga bagay. Ginagamitan ito ng iba't-ibang kagamitan upang matiyak ang tamang laki, dami o antas ng isang bagay. Mahalagang matutunan natin ang tiyak na laki, haba at kapal ng proyektong nais gawin upang mabuo ito nang ayos.
Ang bawat instrumento ng pagsusukat ay may kani-kaniyang gamit. Mayroong para sa pagkuha ng kapal, mayroon ding para sa lapad at marami pang iba.
Sa isang barangay sa bayan ng Angono, Rizal, may isang batang mahilig gumuhit. Ang kaniyang pangalan ay Mich. Siya ay maraming koleksyon ng kaniyang iginuhit. Nakapaskil ito sa pader ng kanilang tahanan. Lahat ng makakakita nito ay labis na namamangha sa ganda ng kaniyang iginuhit.
Isang araw, nakita siya ng kaniyang tatay na gumuguhit ng isang disenyo ng upuan. "Napakaganda naman ng upuan na iyan, anak" ani ng kaniyang tatay. "Salamat po, tay!" nakangiting sagot ni Mich. "Maaari natin gawin iyan at ilagay sa iyong magiging kwarto" buong pagmamalaki ng kaniyang tatay. "Talaga po Tay? Gusto ko po yun!", manghang sagot ni Mich. "Oo anak, gagamitan natin ito ng mga wastong kagamitan ng pagsusukat".
"Wow! ito po ba ang mga ginamit mo sa pagsukat sa paggawa ng aking kama noong nakaraang linggo?" tanong ni Mich, "Oo anak" sagot ng kaniyang tatay.
"Gusto mo ba malaman kung anu-ano ang mga ito?" sambit ng kaniyang tatay habang kinukuha ang tsart sa lamesa.
"Narito ang ilang mga kagamitan sa pagsusukat at ang mga gamit nito"...
Ang kagamitang ito ay may hugis "L" na mayroong 90 digring anggulo. Tinitiyak nito na iskuwalado ang anggulong tuwiran.
Ang Zigzag Rule ay may haba na umaabot ng anim na piye. Natutupi ang mga ito kaya madalas tawaging "folding ruler". Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga lugar at bagay na hindi kayang abutin o gawin ng ordinaryong panukat.
Ang panukat na ito ay may isang metrong haba na may mga markang sentimetro at kadalasang milimetro. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa paggawa ng mga pattern ng damit kapag nagpuputol ng tela.
Ito ay isang uri ng tape measure na yari sa metal. Ito ay nababatak na umaabot sa dalawampu't limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan. Maaari itong magamit upang masukat ang haba, ikli at tuwid na haba.
Ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri tuwing gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
Ito ay ginagamit sa paggawa ng mga tuwid na linya sa isang drowing at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
Ang kasangkapang ito ay ginagamit upang maging gabay sa pagguhit nang mga tuwid na pahigang linya sa papel gamit ang drafting table.
Ito ay ginagamit ng mga mananahi sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan upang makagawa ng pattern sa lilikhaing damit, tulad ng palda, pantalon atbp.
"Ang galing naman!, napakadami naman po pala ng mga kagamitang panukat na maaari nating gamitin sa iba't-ibang proyekto!", buong kagalakang sinabi ni Mich.
Ilagay ang mga ito sa malinis, maayos at naaayon na lokasyon nito.
Iwasan ilagay ang mga kagamitan sa matinding temperatura.
Gamitin lamang ito sa itinalagang layunin nang gamit.
Linisin ang mga ito pagkatapos gamitin.