Ito ay tumutukoy sa iba't-ibang istilo ng mga linya na ginagamit upang maitampok ang iba't-ibang katangian ng disenyo na nakapaloob sa isang drowing. Ang bawat linya ay may tiyak na anyo at kapal. Sa pamamagitan nito, mauunawaan at mailalarawan ang magiging kinalabasan ng disenyong naiguhit.
Ito ang pinaka-makapal at pinaka-maitim na linya.
Isang manipis na linya na ginagamit para sa nakikitang bahagi ng inilalarawang disenyo.
Ito ay may maliliit na gitling linya na ginagamit sa mga disenyong hindi nakikita ang panig.
Ito ay may mahabang linya sa magkabilang gilid at may gatlang linya sa gitna. Madalas itong gamitin upang maipakita ang gitna ng butas, bilog at arko sa inilalarawang disenyo.
Ito ang linyang umaabot sa dulo ng pangunahing linya sa isang drowing palabas. Madalas itong ginagamit kasama ang dimension line.
Ang linyang ito ay ginagamit upang ipakita ang sukat ng isang disenyo. Ito ay may arrowheads sa dulo ng mga linya na nagpapakita nang hangganan ng sukat.
Isang manipis na linya na may arrowhead sa kabilang dulo. Ito ay ginagamit upang maipakita ang mga pangalan ng mga parte sa isang krokis.
Ito ay ginagamit upang paikliin ang isang view.
Ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang ibabaw na tanawin ng seksyon.
Ito ay ginagamit upang lagyan ng mga impormasyon o label ang mga bahagi ng isang krokis o drowing.