Mayroong dalawang uri ng pagsusukat. Ito ay ang sistemang Ingles at sistemang Metrik. Ang bawat sistema ay may iba't-ibang yunit na ginagamit, tulad ng piye, yarda, metro, milimetro atbp. Bawat yunit sa sistemang Ingles ay may katumbas na sukat sa sistemang Metrik at gayon din naman ang sistemang Metrik.
12 pulgada = 1 piye o talampakan
3 piye = 1 yarda
10 milimetro = 1 sentimetro
10 sentimetro = 1 desimetro
10 desimetro = 1 metro
100 sentimetro = 1 metro
1000 metro = 1 kilometro
Ito ang magsisilbing gabay sa pagkuha ng sukat.
Ang mga materyales ay nabebenta nang ayon at sapat sa presyo batay sa sukat nito.
Isa sa mga pangunahing kailangan malaman upang makagawa ng mga proyektong pang industriyal.