Matapos ang 6 nabuwang negosasyon ng Central at Allied Powers, nilagdaan ang Treaty of Versailles noong Hunyo 28, 1919. Ang kasunduang ito sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig. Batay sa Artikulo 231 o War Guilt Clause ng Treaty of Versailles, ipinataw ng Allies ang responsabilidad sa naganap na digmaang sa Germany at sa mga kaalyado nito. Napilitan ang Germany na magbayad ng malaking halaga para sa pinsalang dulot sa mga bansang nakalaban. Ngunit, hindi natupad ang kapayapaang inaasahang makamit batay sa Treaty of Versailles ng 1919. Sa halip, nasaksihan ng daigdig ang isa pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng sangkatauhan – ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap mula 1939 hanggang 1945.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II (WWII) ay itinuturing pinakamapangwasak na digmaang sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay nagsimula noong 1939 nang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Germany at Anglo-French coalition. Ang Anglo-French coalition ay tumutukoy sa politikal na ugnayan ng Britain at France. Sa digmaang ito nadiskubre ang paggamit ng rocket at atomic bomb. Natapos ito noong 1945 kung saan naiwan and U.S. at USSR (Union of Soviet Socialist Republics) o Russia sa kasalukuyan bilang pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig.