Sinuportahan ng Germany ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia. Alam ng Germany na kung makakalaban niya ang Russia, makakalaban niya din ang France. Kaya noong Agosto 1, 1914 ay nagpahayag siya ng pakikidigma sa Russia at sa France noong ika -3 ng Agosto 1914. Schlieffen Plan ay isinagawa ng Germany, sa planong eto unang sasalakayin ng hukbong Germany ang France sa Kanluran panig ng Germany. Pagkatapos ay mabilis na sasalakayin ang Russia sa Silangang bahagi.
Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan ay naghukay ng mga lungga na malawak na kanal o trenches mula sa hangganan ng Switzerland hanggang Germany. Ang nasakop ng digmaan ay mula sa hilagang Belhika hangang sa hangganan ng Switzerland. Ang pinakamainit na labanan ay dito sa kanluran naganap. Nilusob ng hukbong Germany ang Belguim, kahit na isa itong neutral na bansa. Ito ang paraan ginamit nila upang malusob ang France. Ngunit pinakita ng mga taga Belhika ang kanilang kagitingan. Kaya ang balak nilang talunin ang France ay binigo ni Heneral Joffre sa unang Digmaan sa Marne. Ikinagalit ng Great Britain ang pananalakay sa bansang neutral at kaalyadong niya ang Belguim kaya lumahok na rin ito sa digmaan.
Nilusob ni Grand Duke Nicolas ang Germany, ngunit natalo siya ng dumating ang tulong mula sa Germany. Natalo ang Russia sa Labanan sa Tannenberg. Ito tuluyang bumagsak ang sandatahan ng Russia at ang sunod-sunod na pagkatalo ay naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov at ang pagsilang ng Komunismo sa Russia. Upang makaiwas sa digmaan ang Russia, nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang Alyado at sumapi sa Central Powers.
Natalo ang Serbia ng lusubin ito ng Austria. Sumapi sa Central Powers noong Oktubre, 1915 ang Bulgaria upang makaganti sa pagkatalo Tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral naman ang Italy. Karamihan sa mga estadong Balkan ay napasailalim ng Central Powers noong 1916. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa kaniyang bansa sa Dardanelles.
Bago pa man mag simula ang digmaan mayroon nang mga Krusero na nakakalat sa buong mundo, nanagsasagawa ng pag atake ng mga barkong pangangalakal ng Alyadong Pwersa. Nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Great Britain. Mula sa Pitong Dagat, naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany ang lakas pandagat ng Great Britain. Sa Kanal Kiel dumaong ang bapor ng Germany at naging mainit ang labanan. Nakagawa ng malaking pinsala ang mga submarinong Uboats at Raiders ng Germany kaya sa dakong huli napalubog nito ang Sydney, isang Australian cruiser.
Sa pagsiklab ng digmaan noong 1914, pinili ng United States sa pangunguna ni Pangulong Woodrow Wilson, na walang kampihang alyansa. Ang United States ay isa sa mga kapalitan ng kalakal ng Britain kung kaya’t hindi naglaon ay nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng Amerika at Germany. Ang tensyong ito ay mas lalong umigting nang naglunsad ang Germany ng isang unrestricted warfare, kung saan ay palulubigin ng hukbong pandagat ng Germany ang anumang barkong papasok sa Britain, kalaban man o hindi.
Makalipas ang isang buwan mula ng magdeklara ng unrestricted warfare ang Germany ay napalubog ng isang barkong German ang William P. Frye, isang pribadong barkong Amerikano. Ang pangyayaring ito ay lubhang ikinagalit ni Pangulong Wilson at inako ng Germany ang responsibiliad sa insidente. Noong Mayo 7, 1915 ay pinalubog din ng Germany ang Lusitania, isang pampasaherong
barko ng Britain. Lulan ng Lusitania 1,959 na pasahero kung saan 1,198 ang namatay
kabilang ang 128 Amerikano. Bunsod ng
pangyayaring ito, nangako ang Germany sa Amerika na hindi na muling paiigtingin ang unrestricted warfare, ngunit sa kasamaang palad ay muling naulit ang pagpapalubog sa mga barko na may lulang inosenteng sibilyan. Ang pangyayaring ito ang tuluyang nag-udyok sa United States na sumali sa digmaan laban sa Germany noong Abril 2, 1917.
Sa kabuuan, maitatalang mahigit 2 milyong Amerikano sundalo ang nakilahok sa digmaan kung saan nasa 50,000 sa kanila ang nagbuwis ng buhay hanggang sa magwakas ang digmaan noong Nobyembre 1918.
Paglubog ng Lusitania (Larawan mula sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Sinking _of_the_RMS_Lusitania