Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig Ang pagkakaroon ng digmaan at nagdulot ng pinsala sa maraming buhay at ari-arian. Ilan sa mga naging bunga ng digmaan ay ang mga sumusunod:
Tinatayang umabot sa humigit kumulang 8.5 milyong tao ang nasawi digmaan simula ng pagsiklab nito noong 1914 at pagwawakas nito noong 1918, habang nasa 22 milyon naman ang tinatayang sugatan. Maliban sa mga sundalo, marami rin mga sibilyan at ordinaryong tao ang labis na nagdusa at namatay sanhi ng matinding pagkagutom, pagkakaroon ng mga sakit at malubhang pagdurusa.
Nagdulot ang digmaan ng matinding pagkagutom at pagkasira sa mga ari-arian. Naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiko. Bukod dito, tinatayang nasa 200 bilyong dolyar ang kabuuang nagastos sa digmaan.
Nagkahiwalay ang Austria-Hungary at mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malayang mga bansa. Nagwakas din ang apat na imperyo sa Europe: ang Hohenzollern sa Germany; Habsburg sa Austria-Hungary; Romanov sa Russia; at Ottoman sa Turkey.
Humigit kumulang 337 billion US dollar ang
gastos ng magkakalabang bansa. Kung susumahin, ay umabot ng sampung milyon
ang kada-oras na gastos sa labanan. Nanggaling ang mga ito sa buwis at iba pang
buwis. Ngunit mas malaki ang hiram na salapi na naging dahilan ng pagkalubog sa
utang. Ang Allies ay sinubukang paliitin ang kanilang utang sa pamamagitan ng
paghingi ng reparations (bayad sa mga napinsala) sa Central Powers lalong lalo na
sa Germany.