Ang kasaysayan ay hindi lamang koleksyon ng mga petsa, pangalan, at pangyayari—ito ay isang salamin ng sangkatauhan, ng ating mga tagumpay, pagkakamali, at walang hanggang paghahangad ng kapayapaan at katarungan. Sa gitna ng mga digmaan at tunggalian, umusbong ang mga aral na humubog sa kasalukuyan nating mundo.
Ang website na ito ay isinulong upang magsilbing pook-aralan na maglalakbay sa mga mag-aaral sa mga mahahalagang yugto ng kasaysayan: mula sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, patungo sa trahedya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hanggang sa Cold War na nagpabago sa balanse ng kapangyarihan sa daigdig, at sa mga pagsusumikap ng iba't ibang bansa at pandaigdigang organisasyon tungo sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.
Makikita sa bawat pahina ng site ang mga temang maaaring pagnilayan at pag-usapan: Bakit nagkakaroon ng digmaan? Ano ang naidudulot nito sa mga bansa at mamamayan? Paano nagsusumikap ang mundo upang muling bumangon? Ang mga tanong na ito ang magsisilbing gabay habang binubuo natin ang mas malawak na pang-unawa sa ating nakaraan.
Nilikha ang site na ito hindi lamang para magbigay-kaalaman, kundi upang himukin ang bawat mag-aaral na mag-isip nang mas kritikal, magtanong, at mahamon na makita ang kahalagahan ng kasaysayan sa tunay na buhay. Sa bawat bahagi ng website, inaasahan naming magiging kasangga ninyo ito sa mas malalim na pagkatuto—makabuluhan, makabago, at makatao.
Layunin ng Site
Nilalayon ng pook-aralan na ito na:
Maglahad ng mga aralin batay sa lahat ng labing-isang (11) pamantayang pangkalaman (learning competencies) mula sa kurikulum ng Araling Panlipunan;
Hikayatin ang masusing pagsusuri at pag-unawa sa mga sanhi, mahahalagang kaganapan, at epekto ng mga pandaigdigang digmaan;
Ipakita ang ugnayan ng mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa mga institusyong panlipunan;
Linangin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga hakbang ng mga bansa at pandaigdigang organisasyon tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad.
Syllabus ng Araling Panlipunan
Upang mas mapalawak ang inyong pag-unawa sa mga paksang tatalakayin sa website na ito, narito ang Syllabus ng Araling Panlipunan na magsisilbing gabay sa mga mahahalagang aralin at kasaysayan ng mga digmaan at pandaigdigang kapayapaan.
Para sa kumpletong syllabus ng Araling Panlipunan, i-click ang link sa ibaba upang matingnan at i-download ang buong dokumento:
drive.google.com/file/d/1DrXvgDz_Xk4RHIlL_Y72nPE-EBMOyd74/view?usp=sharing
Nilalaman ng Syllabus (Grade 8 - Quarter 4)
1. Nasusuri ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang Dimaan Pandaidig
2. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig
3. Natataya ang mga epekto ng Unang Dimaang Pandadig
4. Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran
5. Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay-daan sa Ikalawang Digmaang Pandaidig.
6. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
7. Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
8. Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran
9. Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan.
10. Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
11. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Pangalan: JOHN LLOYD ORAYE
Paaralan: LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Kurso: BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Taon: THIRD YEAR
Major: SOCIAL STUDIES
Email: johnlloydoraye@gmail.com
Layunin sa Proyektong Ito: Magbahagi ng kaalaman ukol sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng daigdig sa makabago at organisadong paraan.
Pangalan: JEREMY D. PAGO
Paaralan: LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Kurso: BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Taon: THIRD YEAR
Major: SOCIAL STUDIES
Email: pagojeremydalma11@gmail.com
Layunin sa Proyektong Ito: Magbahagi ng kaalaman ukol sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng daigdig sa makabago at organisadong paraan