by Cate Ong of Grade 12 Hudson Taylor
Translated by Tiffany Duyongco of Grade 12 Hudson Taylor
Sa ilalim ng kahel na kalangitan,
ako’y napaisip sa kawalan.
Kung ika’y tunay at maaasahan,
o malupit at may hangganan.
Madalas daw ika’y taksil at kalaban.
Madalang na matamis at mapagkakatiwalaan.
Ngunit handa pa rin ang iba na sumugal at masaktan,
dahil sa pangako mong magpakailanman.
Ako’y iyong binisita sa aking munting kalawakan,
walang pakialam sa mga balakid na pinagdadaanan.
Takot at panghihinayang ay iyong pinagmasdan at hinagkan,
mga pangarap at bangungot na iyong tinanggap nang walang pag-aalinlangan.
Sa buhay kong pula at itim ang laman,
pagtanggap at kapayapaan, iyong dinagdagan.
Sa bawat pagkakamali at sisihan,
Iyong tinuro ang pagpaparaya at katotohanan.
Mga guhit ng ating karanasan,
permanenteng nasa puso at isipan.
Habambuhay kong yayakapin ang ating larawan
na ipininta ng Bathala ng kapalaran.
Cover Image Reference:
Quinin. (2021, December 2). Drawing a shooting star video live wallpaper. DesktopHut. https://www.desktophut.com/video/drawing-a-shooting-star-video-live-wallpaper/