Lipon ng iba't ibang uri ng panitikan na nagpapahayag ng sari-saring damdamin at pananaw na sumasalamin sa lipunan at kulturang Pilipino
Isinulat ni Gabrielle Summer Seming, Grade 11 Matthew
Ang Kasaysayan ng Pilipinas ay tunay nga naman talagang kamangha mangha at punong puno ng malalalim at napakayamang mga pangyayari.
Ang Pilipinas ay may napakayaman at malalim na kasaysayan na hindi nakagugulat na ang mga gumagawa ng pelikula ay patuloy na inspirasyon nito. Sa paglipas ng taon, maraming pelikulang nakabatay sa kasaysayan o sa mga makasaysayang pigura na hindi lamang nakabibighani sa mga manonood sa kanilang makapangyarihan at nakapagpapayaman na mga kuwento, ngunit tila ba at bumalik din ang mga manonood sa nakaraan gamit ang mga detalyadong costume, set, at kapaligiran.
Isinulat ni Faith Marie Rain Palacio, Grade 11 Matthew
Sa panahon kung saan ang GomBurZa (Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora), ang tatlong paring martir na ginarote noong panahon ng mga Espanyol, ay naging “MaJoHa.” Hindi makakaila ang realidad na unti-unti nang nakakalimutan nating mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan, ang ating sariling kasaysayan. Isang patunay rito ang krisis sa edukasyon na kinahaharap ng Pilipinas kung saan umabot ng 91% ang ating learning poverty rate at 90% ang learning deprivation rate. Mahirap nang paniwalaan ang mga katagang sinambit ni Dr. Jose Rizal. Tila malabo nang maging “pag-asa ng bayan” ang bagong henerasyon ng mga kabataan. Kaya naman nang inanunsyo ang bagong seryeng ipapalabas sa telebabad ng GMA na Maria Clara at Ibarra, marami ang nasiyahan dahil mas magiging relatable ang Noli Me Tangere para sa henerasyon ngayon. Nang magsimulang ipalabas ang mga episode ng seryeng ito, umani ito ng maraming magagandang komentaryo o rebyu at feedback mula sa mga netizens.
Isinulat ni Richie Sy, Grade 12 Hudson Taylor at
Gabrielle Seming, Grade 11 Matthew
Maraming magagandang tanawin na maaari nating mabisita o malakbay rito sa Pilipinas. Ang mga ito ay maaaring isang mall, o kaya ay mga makasaysayang lugar na kayang-kaya nating puntahan.
Nang nagkaroon ng malawakang lockdown, nagsara ang mga kalsada, ipinagbawal ang paglabas sa ating mga tahanan, at naapektuhan nang matindi ang turismo ng bawat bansa sa buong mundo. Ngunit ngayon, unti-unti nang nagbubukas ang mga lugar na ito at muling nanghihikayat sa mga tao na ito’y bisitahin.
Kaya dito sa artikulong ito, ako’y nangalap ng mga opinyon mula sa mga kapuwa ko Jubelians sa kanilang mga paboritong lugar sa Metro Manila at karatig bansa ng Pilipinas. Ito ang lima sa mga nangungunang sagot nila.