SDSSU-Graduate School Comprehensive Examination Application
MAFLT
ACCREDITATION LEVEL - III
Malinang at mapalawak ang kaalaman sa batayang teorya, katangian at kayariang gamit ng wika, at iba pang ideya at simulang pangwika na makatutulong sa kanilang pagtuturo ng Filipino bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo;
Mapayaman at mapalalim ang pag-unawa sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo;
Mapalago ang kakayahan sa pananaliksik sa wika, panitikan, paghahanda ng kagamitang panturo at iba pang gawain tungo sa intelekwalisasyon ng Filipino;
Maipamulat ang pag angat sa paggamit ng makabagong teknolohiya at estratehiya sa pagtuturo ng wika bunga ng linguistikong pananaliksik; at
Mapaunlad ang pagtuturo ng wika at iba pang kaugnay na lawak nito bilang tugon sa pangangailangan ng nagbabagong lipunan at daigdig sa kalakaran ng edukasyon.