Social Media Language
Ito ay isang paraan ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang ipahayag ang kanilang sarili sa internet, lalo sa mga plataporma ng pag uusap. Lumitaw ang isang bagong uri ng wika, kasama ang kanyang mga natatanging salita, bantas, at mga simbolo. Dahil sa dominasyon ng wikang Ingles sa social media, ito ay nagtatatag ng mga "norms" at " trends" sa larangang ito, at marami sa mga ito ang nakaimpluwensya sa wika mismo sa isang malaking antas.
Selfie
Isang litrato na kinukuha ng isang tao sa kanyang sarili, karaniwang gamot ang smartphone, at ipinapamahagi sa social media.
Halimbawa:
"Mahilig siya sa pagkuha ng selfie, kahit saan siya magpunta laging may hawak na camera."
Cancel Culture
Isang kaganapan kung saan ang mga indibidwal o grupo ay nagboycott o pampublikong kinukundena ang isang tao o bagay na itinuturing na nakasasakit o may problema.
Halimbawa:
"Sa Cancel Culture, maaaring hindi magtagal ang isang artista o personalidad sa industriya matapos ang isang kontrobersiya."
Hashtag
Isang salita o parirala na sinusundan ng simbolo ng '#' na ginagamit sa mga social media platform upang kategoryahan ang mga post o gawing searchable.
Halimbawa:
"Bes, ano kayang pwede kong hashtag sa post ko na nag-eenjoy maligo ng dagat?"
DM
"Direct Message", ito ay isang pribadong mensahe na ipinadadala sa mga social media platform na nakikita lamang ng nagpapadala at ng tatanggap.
Halimbawa:
"Mag DM ako sayo mamaya pag-uwi ko may sasabihin akong chika."
TBT
"Throwback Thursday", isang social media trend kung saan nagpopost ang mga gumagamit ng mga lumang litrato o alaala tuwing Huwebes.
Halimbawa:
"Nagbahagi ng larawan ang aking kaibigan nung kami ay high school na may caption na "TBT."
#BLACKLIVESMATTER
Isang hashtag na ginagamit upang magpataas ng kamalayan tungkol sa pagkakapantay-pantay at karahasan ng pulisya laban sa mga Black skinned na tao.
Halimbawa:
"Sumali siya sa rally upang ipahayag ang kanyang suporta sa kilusang #BLACKLIVESMATTER laban sa diskriminasyon."
#LETTHEEARTHBREATHE
Isang hashtag na ginagamit upang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at pagiging matatag sa kalikasan.
Halimbawa:
"Nagpost ang isang mananaliksik tungkol sa mga dapat gawin para mapangalagaan ang kalikasan na may hashtag na #LETTHEEARTHBREATHE."
OOTD
"Outfit Of The Day", isang post na nagpapakita ng kasuotan o estilo ng isang tao para sa araw na iyon.
Halimbawa:
Ipinakita niya ang kanyang OOTD sa kanyang vlog, kasama ang kasalukuyang fashion trend.
FOMO
"Fear Of Missing Out", ang pagkabalisa na nararamdaman ng isang tao kapag sa palagay nila ang iba ay nag-eenjoy nang wala sila.
Halimbawa:
Nagdesisyon siyang sumama sa outing kahit busy sya dahil sa FOMO.
IG
"Instagram", isang kilalang social media platform para sa pagbabahagi ng mga larawan at video.
Halimbawa : Nagbahagi ako ng larawan ng sunset sa aking IG story.
FB
"Facebook", social networking platform kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga gumagamit sa kanilang mga kaibigan, pamilya at katrabaho.
Halimbawa: Nagpost si Maui sa FB nya ng mga litrato at videos na nagpapakita ng mga kaganapan noong fiesta.
RT
"Retweet", tampok sa Twitter kung saan maaaring mag-post muli ng tweet ng ibang gumagamit sa kanilang sariling timeline.
Halimbawa:
"Nagretweet ako ng mga quotes na related sa mga nangyayari sa buhay ko."