Tinatawag din na “Gamerspeak” na kung saan ay karaniwang ginagamit ng mga manlalaro. Nagsimula noong dekada 70, at patuloy na nagbabago batay sa mga makabagong imbensyon na laro na nabuo sa paglipas ng panahon. Ito’y ginagamit ng mga tao upang gamitin sa pagbibigay ng larawan sa mga video games na kanilang nilalaro.
OG
“Original Gangster”, ibig sabihin ay beterano o may mataas na kasanayang manlalaro sa isang partikular na video game.
Halimbawa:
Si Ralph ay 10 taon ng nilalaro ang larong Mobile Legends kaya kaya siya ay OG na sa laro.
Nerf
ginagamit upang sabihin na humina ang isang bagay sa laro.
Halimbawa:
Nagkaroon na naman ng pagbabago sa larong Farlight, na nerfed na naman paborito kong karakter.
AFK
“Away from the Keyboard”, para sa mga maling tawag sa telepono o pahinga sa banyo.
Halimbawa:
Si Ven ay biglang may importanteng gagawin habang siya ay nasa laro, AFK siya tuloy.
N00b
Isang rookie o newbie na ang mga kasanayan sa isang partikular na laro ay ginagawa pa rin. Kadalasan ding ginagamit sa pangungutya, para sabihing di magaling ang isang manlalaro.
Halimbawa:
Si Vince ay baguhan pa lang sa larong Mobile Legends, kaya angalawan niya ay pang- N00b pa lang
OP
“Overpowered”, na naglalarawan ng mga armas o skillset na maaaring mas epektibo kaysa sa iba habang naglalaro.
Halimbawa:
Pinalakas na naman si Vexana sa Mobile Legends, OP na karakter na talaga.
GGWP
“Good Game, Well Played”. Sinasabi ng isang manlalaro kapag tapos na ang laro, bilang pag-galang sa kanyang kakampi, o kalaban.
Halimbawa:
Salamat sa magandang laban, GGWP
Meta
ginagamit upang bigyan ng label ang malalakas na bagay sa isang laro.
Halimbawa:
Nagkaroon na naman ng pagbabago sa larong Mobile Legends, Meta na ulit si Layla.
Bots
mga character sa laro na hindi kinokontrol ng isang tao.
Halimbawa:
Ang lalakas na ng mga bots ngayon sa laro.
Snowball
karaniwang ginagamit ng mga gamer sa paglalarawan na ang isang manlalaro, o grupo nito ay nakalamang na sa laro.
Halimbawa:
Masyadong maganda ang galawan ng BREN Esports sa laro nila kanina, Snowball talaga.
Lag
Ginagamit ng mga manlalaro upang sabihin na ang kanilang internet connection ay hindi maganda na nagdudulot ng pagkawala nila sa laro.
Halimbawa:
Sobrang hina na naman ng internet connection, lag na naman ako.