Geek Lingo
Geek Lingo - Mga salita na karaniwang ginagamit ng mga taong mahilig sa teknolohiya, kompyuter, at iba pang mga nerd culture. Ang mga salitang ito ay karaniwang may kinalaman sa mga teknikal na konsepto at mga paboritong karakter o elemento mula sa mga video game, komiks, pelikula at science fiction. Nabuo ang geek lingo mula sa mga pormal at di-pormal na interaksyon sa loob ng mga komunidad ng mga geeks.
Nerdvana
Tumutukoy sa isang lugar kung saan ang mga nerd o geek na tao ay tumatambay o nagsasaya.
Halimbawa:
"Ang comic book store na ito ay ang aking nerdvana."
404 (Not found)
Ginagamit ang salitang ito bilang biro kapag mayroon silang hindi mahanap na impormasyon tungkol sa isang bagay.
Halimbawa:
"Hindi ko mahanap ang Action Comics No.1. 404 Not found."
Beta
Ito ay ang tawag sa isang software o isang laro na hindi pa tapos at hindi stable.
Halimbawa:
"Panget yang laro na yan, beta lang yan."
Noob
Tawag sa isang tao na hindi magaling o baguhan sa isang laro.
Halimbawa:
"Ang noob mo naman!"
Bug
Tumutukoy sa problema ng isang software na nagdudulot ng hindi tamang pag takbo.
Halimbawa:
"Nahanap ko na yung Bug sa code."
Hack
Tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang account mo o gadgets mo ay ginagamit ng iba ng walang permiso.
Halimbawa:
"Mukhang na hack ang account ko sa larong ito."
Patch
Isang update o pagbabago sa isang software na madalas ay ginagawa sa pagpapaganda dito.
Halimbawa:
"May bagong patch na ang Mobile legends."
GG
Ginagamit kapag malapit nang matapos ang isang laro at ito ay nangangahulugang Good game.
Halimbawa:
"GG idol nice game, nice game."
AFK
Nangangahulugang Away from keyboard. Ginagamit kapag hindi gumagalaw ang manlalaro sa isang laro
Halimbawa:
"Awit aAFK ata si kim, di gumagalaw."
Troll
Ginagamit kapag ang isang manlalaro ay hindi sineseryoso ang kanyang ginagawa.
Halimbawa:
"Umay sayo kim, nag troll na sa laro."