Interner Slang
Ito ay pagpapaikli ng mga salita sa pamamagitan ng pagdadaglat nito at itinuturing itong impormal na salita. Ginagamit ang internet slang sa mga chat room, serbisyo sa social networking, online games, video games, at sa mga online community. Mula noong 1979, ang mga gumagamit ng mga komunikasyon na mga network tulad ng Usenet ay lumikha ng kanilang sariling mga shorthand.
BRB
"Be Right Back", ginagamit ito upang ipahiwatig na ang kausap ay mawawala o lalayo muna saglit at babalik din kaagad.
Halimbawa:
"BRB, bibili lang ako ng pagkain sa labas."
LOL
"Laugh Out Loud", sinasabi ito kapag ang mga usapan ay tungkol sa mga nakakatawang pangyayari o mga jokes.
Halimbawa:
"LOL, ang saya ng joke mo!" HAHAHAHA
WDYM
"What Do You Mean", karaniwang ginagamit para masiguro at maintindihan ang sinasabi ng kausap
Halimbawa:
"WDYM? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo."
LMK
"Let Me Know", ginagamit upang humuling ng impormasyon o update mula sa isang tao.
Halimbawa:
Bro, "LMK, kung anong plano natin mamayang gabi.
NGL
"Not Gonna Lie", pagpapahayag ng katotohanan tungkol sa isang bagay o tao
Halimbawa:
"NGL, ang ganda talaga ng kanta ng Bini na Pantropiko.
TTYL
"Talk To You Later", pagpapaalam na may layunin o gagawin muna at mag-uusap ulit mamaya .
Halimbawa:
"TTYL, magchachat ako sayo mamaya kapag natapos ko na gawain ko."
IDK
"I Don't Know", ginagamit para ipahayag ang kawalan ng katiyakan o kaalaman sa mga bagay bagay.
Halimbawa:
"IDK kung anong oras mag-uumpisa ang event."
FTW
"For The Win", pagpapahayag ng masiglang pagsuporta sa isang bagay .
Halimbawa:
"FTW, ang galing ng performance niya sa competition kanina.
TBH
"To Be Honest", ginagamit upang ipakita na ang nagsasalita ay magiging tapat o totoo.
Halimbawa:
"TBH, hindi ko gusto ang mga pagkain dun sa restaurant na pinuntahan natin".
IMO
"In My Opinion", ginagamit upang ipakita na ito ay personal na pananaw o paniniwala ng nagsasalita.
Halimbawa:
"IMO, dapat magkaroon sila ng mas maraming proyekto para mas mapaunlad ang barangay natin".
NGL
"Not Gonna Lie", pagpapahayag ng katotohanan tungkol sa isang bagay o tao
Halimbawa:
"NGL, ang ganda talaga ng kanta ng Bini na Pantropiko.
TTYL
"Talk To You Later", pagpapaalam na may layunin o gagawin muna at mag-uusap ulit mamaya .
Halimbawa:
"TTYL, magchachat ako sayo mamaya kapag natapos ko na gawain ko."