Ang mga salitang Jejemon sa Tagalog ay nagsimula bilang isang uri ng online subculture noong mga huling bahagi ng dekada ng 2000. Ang mga salitang ito ay bumuo ng sariling wika o paraan ng komunikasyon, na kung minsan ay naging kontrobersiyal at napag-usapan dahil sa kanilang kakaibang istilo ng pagsulat. Binubuo ng mga salitang nagtataglay ng iregular na pagkakabuo na kung saan ang mga letra ay pinapalitan ng numero o simbolo.
!uV_U
Nangangahulugan ng salitang “mahal kita”. Ito ay isang pangkaraniwang pahayag ng pagmamahal o pag-ibig na may simbolong ginamit bilang pamalit sa letra.
Halimbawa :
“!uV_U beyb, ik@w lang sapat na!”
aqu0eh
Ginagamit upang ipahayag ang pagkakakilanlan o personal na pakikipag-ugnayan ng nagsasalita na mayroon ring numero na hunalili sa isang letra.
Halimbawa :
“Aqu0eh ang nagpasa ng aktibiti natin kay ma'am.”
h3Ll0
Ito ay isang pangkaraniwang bati o pagbati sa pag-uusap na mayroong mga numero na humalili sa ibang letra.
Halimbawa:
“H3Ll0 po, kumusta po ang kalagayan niyo diyan sa ibang bansa?”
Bh0sxz
Ito ay isang salitang ginagamit upang tukuyin ang isang lider, pinuno o may-ari ng isang negosyo, kumpanya, o organisasyon na ginamitan din ng numero bilang pamalit sa isang letra nito.
Halimbawa :
“Bh0sxz, wala na tayong budget para sa susunod na buwan.”
Pr@misz
Ito ay maaaring isalin sa Tagalog bilang "pangako." Ito ay isang pangako o pagtitiyak na ginagawa ng isang tao sa iba. Mayroon din itong simbolo na ginamit upang palitan ang ilang letra.
Halimbawa :
“Sorry ‘di ako makakasama, babawi ako sa sunod pr@misz!”
h4Pi b3rde¥
Ito ay isang pagbati sa isang tao sa kanyang kaarawan o birthday. Ito ay ipinapahayag upang ipakita ang kasiyahan at pagpapahalaga sa espesyal na araw ng isang indibidwal. Ito ay may ilang numero at simbolong ginamit bilang pamalit sa ilang mga letra ng dalawang salita.
Halimbawa :
“H4pi B3rde¥ sayo Iza, baka naman!”
xH@
Ginagamit ito upang ipahayag ang pagkakakilanlan o personal na pakikipag-ugnayan ng isang tao o bagay na hindi kasama ang nagsasalita o pinaguusapan. Ito ay ginamitan din ng simbolo bilang pamalit sa isangletra.
Halimbawa :
“Xh@ ang dapat managot sa nangyaring ito.”
pH03/oP0wh
Mga salitang ginagamit bilang mga pormal na salita ng paggalang at pagtanggap sa nakatatanda o mas mataas sa lipunan na ginamitan ng numero bilang panghalili sa ibang letra.
Halimbawa :
“Op0wh naman, ako pH03 ang bahala diyan.”
m3rhy3nd3
Ito ay ang pagkain na kinakain sa hapon, karaniwang sa pagitan ng tanghalian at hapunan. Ito ay katulad ng "snack" sa Ingles. Ang meryenda ay maaaring magkakaiba depende sa lugar at kultura sa Pilipinas. Ito ay ginamitan din ng numero tatlo (3) at pinalitan ng bahagya ang tunog sa hulihan.
Halimbawa :
“Tara mag m3rhy3nd3 sa may kanto”
t4mb4y
Ito ay isang salitang ginagamit upang tukuyin ang isang tao na nagpapahinga o nakikipagkwentuhan sa isang lugar na karaniwan at palasak. May numerong ginamit upang pamalit sa ilang letra nito.
Halimbawa :
“Libre ba kayo? Tara t4mb4y tayo!”