Isang di-pormal na salita na binubuo ng halong wikang Filipino at Ingles. Ito ay madalas ginagamit ng mga sosyal at mga mayayamang tao. Sinasabing ang paggamit ng conyo ay nagsimula pa noong 19 century dito sa Pilipinas pero mas nakilala ngayong 21st century.
Scoobs
nagmula sa pangalan ng isang cartoon character na si Scooby doo, na isang great dane. Dane na napuntang dein at katunog ng dehin o ang ibig sabihin ay hindi.
Halimbawa:
Scoobs pare, medj short ako sa budget lately.
Anuna
ibig sabihin ay ano na pero in conyo term
Halimbawa:
Anuna bro, what’s your plan ba?
Carps
mula sa salitang carpet na pwede din tawagin na rug na ang spelling ay RUG or ibig sabihin ay game ka ba?/sasama kaba?
Halimbawa:
Yow paree, carps ka ba later sa BGC?
Salt
salt sa tagalog ay asin, kung gamitin ay “as in”
Halimbawa:
It’s so hot ngayon pare! Like salt
Sharks
Sa tagalog ay pating at ginagamit na salita as patingin
Halimbawa:
Duuuudee sharks naman ng homework mo pareee.
Sags
Pinaikling salita ng saging. Ang saging ay binabalatan or Peel it sa english na katunog ng pilit o sapilitan.
Halimbawa:
Bro sags yung tawa mo kanina. Do you have a problem ba?
Pics
Pinaikling salita ng picture na sa ibang tawag ay Image or IMG na ang ibig sabihin ay game ako/sasama ako.
Halimbawa:
Bro anuna na are you carps ba? Yeah bro, I’m pics
Timbs
mula sa salitang timba o bucket sa English na katunog ng bakit?
Halimbawa:
Timbs ba pare? You’re so makulit