MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Sa mundo na patuloy na umuunlad at umaasenso sa teknolohiya, hindi maitatanggi ang malaking impluwensya nito sa paraan ng pagpapahayag at komunikasyon ng mga Pilipino.
Ang makabagong teknolohiya ay nagdulot ng malalim at positibong impluwensya sa pag-unlad at pagbabago ng mga wika sa buong mundo. Sa pagdating ng internet, social media, at iba pang mga digital na plataporma, mas mabilis at mas madaling magpalitan at makakalap ng impormasyon. Ito ay nagbukas ng mga pintuan para sa mga bagong paraan ng pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya at impormasyon. Ang mga bagong salita, ekspresyon, at istilo ng pagsasalita ay laganap sa online na espasyo, nagbibigay daan sa pagbabago at paglinang ng wikang Filipino.
Ang mga social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Tiktok ay naglilingkod bilang mga lugar ng pakikipagtalastasan sa wikang Filipino. Ang mga netizens ay likas na bumubuo ng mga bagong salita, kataga, at kahulugan, na naglalarawan sa kanilang karanasan, kultura, at lipunan. Ang mga emojis, hashtags, at internet slang ay nagiging bahagi ng araw-araw na pakikipag-usap, nagbibigay ng bagong dimensyon sa pagpapahayag ng damdamin at kahulugan. Sa pamamagitan ng mga ito, ang wikang Filipino ay patuloy na nagbabago at nakikipag-ugnayan sa mga bagong konteksto at karanasan.