-Isinulat ni Jeleen Shyn Albas
Nakilahok ang DNHS sa Earthquake Drill na isinagawa noong 10 ng nobyembre 2022. Naging matagumpay ito sa partisipasyon at suporta ng ating punong guro na si G. Ronald A. Trono. Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nakilahok at sumuporta sa gawaing ito sana ay patuloy pa tayong maging aktibo hindi lamang ito para sa atin kung hindi pati narin sa ating mga pamilya na kahit wala ka man sa loob ng paaralan alam at alam mo kung ano yung mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng lindol.Ito ang ating magiging gabay upang tayo ay maging ligtas at maging handa sa pagtama ng kalamidad sa atin.
-Isinulat ni Rham Josh C. Paulino
Nobyembre 23 taong 2022 ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Dalandanan ay naghandog o nagbigay tulong upang lalo pang mapahusayan ang pag-iingat at paggabay sa kaligtasan ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan. Isa ito sa mga naging proyekto ng Supreme Student Government o SSG, sa pangunguna ni Gng. Carmela Cruz, Gng. Emalyn malilay, Gng. Ma. Lourdes Sayman at sa suporta na rin ng Punong-guro ng Mataas na Paaralan ng Dalandanan, Ginoong Ronald A. Trono.
Inihandog ng mga ang limang malalaking lalagyan na maaaring gamitin para sa paglagyan ng plastic bottles, tatlong lagayan ng mga bisikleta na maaaring pagparadahan ng mgamag-aaral at ilang kahong naglalaman ng first aid kit set na siyang ipinarangal naman ng SSG para sa mga nagwagi sa mga isinagawang proyekto na POWER AUDIT o ang seksyon na kayang panatiliin at alagaan ang kanilang mga silid-aralan.
-Isinulat ni Cassandra B. Pimentel
Ang Dalandanan National HighSchool ay nagsawa isang School Risk Reduction noong Oktubre 17 hanggang Oktubre 20, 2022. Pinangunahan ito ng mga Grade 10 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng room-to-room discussion tungkol sa disaster preparedness.
Ang mga estudyante mula grade 10 section Luna, Lapu-Lapu-, Mabini at Ponce ay nagkaroon ng adbokasiya para sa paghahanda sa sakuna. Kabilang sa advokasiyang ito ay ang pagdiscuss nila sa bawat silid paaralan ng grade 7-12 tungkol sa paano maghanda para sa sakuna. Gumamit sila ng mga informative tarpulin na naglalaman ng mga mahahalagang bagay na dapat gawin bago at pagkatapos ng lindol. Ang ilan sa kanila ay naghanda rin ng mga halimbwa ng emergency kit upang ipakita sa mga kapwa mag-aaral kung ano ang gamit na dapat nating ihanda sa panahon ng kalamidad.
Ang programmang ito ay naglalayon na ihanda ang mga estudyante kung sakaling may darating na sakuna at mga natural na panganib sa paaralan. Sinasanay rin nito ang mga estudyante sa mga hindi inaasahang pangyayari. Layunin rin nito na tulungan ang mga guro, estudyante at mga staff ng paaralan na maging handa sa pagsagip ng kanilang mga buhay gayundin upang maprotektahan ang ari-arian ng paaralan mula sa mga pinsala.
Sa pangkalahatan, ang School Risk Reduction na isinagawa sa ating paaralan ay may layunin na protektahan ang buhay ng bawat indibidwal na nasa paaralan mula sa anumang panganib na maari nilang kaharapin.
-Precious Irish S. Gomez
Ating pinapahalagahan ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa sa panahon ng aksidente o sakuna. Kaya noong Nobyembre 25 2022, hinanda ng ating paaralan ang tinatawag na Go Bag na makakatulong sa pagsapit ng panahon ng aksidente o sakuna.
Ang mga ito ay ipapamahagi sa bawat pangkat ng Dalandanan National Highschool. Ang bawat Go Bag ay may laman gauze pad, cotton, betadine, alcohol, mask,surgical gloves at band aid. Ito ay magsisilbing survival kit kung sakali sumapit ang pahanon ng sakuna may magagamit tayo upang makaligtas at magligtas ng buhay o kaya sa paglikas. Inaasahan na sa pamamagitan nito ay makakatulong upang maging handa ang mga estudyante sa mga sakuna.