-Isinulat ni Juan Miguel C. Roberto
Ayon sa inilabas na pahayag ng Bise Presidente, Sara Duterte. Ang pagsusuot ng uniporme sa pampublikong paaralan ay hindi sapilitan para sa taong panuruan 2022-2023.
Ang pagsusuot ng wastong uniporme ay makatutulong upang masugpo at mabawasan ang suliranin ng diskriminasyon sa mga mag-aaral. Naniniwala ang marami sa posibilidad na maaaring tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na malulugmok sa kalungkutan kung makararanas sila ng diskriminasyon dahil sa estilo ng kanilang pananamit.
Subalit, dapat ding tingnan kung paano nasadlak ang karamihan sa kahirapan dahil sa pamiminsala ng pandemya. Maraming tao ang hirap bumili ng uniporme dahil walang perang pambili nito, sapagkat mas uunahin nila ang pagbili ng pangunahing pangangailangan sa araw-araw tulad ng pagkain at pambayad ng renta sa bahay, tubig at kuryente.
Sa katotohanan humigit-kumulang 27 Milyong manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay buhat ng pandemya. Tiniyak ng SWS ang datos sa lumubong kaso ng pagkalugi ng iba’t ibang establisyemento dahil sa COVID-19.
Samakatuwid hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahang makabili ng uniporme na magagamit sa paaralan dahil hindi na kakayanin pa ng mga bulsa ng mamamayang Pilipino ang paglalaan ng pera para pambili ng uniporme.
-Isinulat ni Emerlita S. Marcelo
Ang mga guro ang tumatayong pangalawang magulang natin, sila ang gabay hindi lamang sa pagkatuto bagkos maging sa ating mga buhay. Ngunit, paano kung magkaroon ng hadlang sa pagitan ng guro at estudyante?
Kamakailan lamang ay ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusan bilang 49, serye 2022 o ang Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services na may direktibang ipagbawal sa mga guro ang pakikipagkomunikasyon o anumang uri ng relasyon sa mga estudyante sa labas ng paaralan, o kahit i-follow man lang sa social media.
Matagal naman nang ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon ng guro sa estudyante nito, lalo na kung ito ay romantiko at sekswal na ugnayan. Ang kaibahan lamang, sa bagong ibinabang kautusan miski ang pakikipagkaibigan, pakikipag-usap at kahit na anong pakikipag-ugnayan ng guro sa estudyante ay bawal na rin.
Kaya naman tutol dito ang isang grupo ng mga guro. Ani ng ACT Teachers party-list, makakasama raw ito dahil “pinatatahimik” diumano nito ang mga guro, na labag na sa kanilang karapatang magpahiwatig ng saloobin at mag-organisa. Sa huli, ang mga guro ay tao rin na may karapatan at boses sa lipunan. Hindi ito mababago anuman ang propesyon o kalagayan ng isang tao. Dagdag pa ng ilang gurong mambabatas ay alam at sinusunod na nila ang code of ethics na nasa ilalim ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, pati na ang R.A. 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994. Ayon pa kay ACT Teachers Representative France Castro, mas dapat na pagtuunan ng pansin ng kagawaran ang mga napakalaking problema sa kakulangan sa mga silid-aralan, suporta sa mga guro at ang lumalalang krisis sa edukasyon.
Kaugnay nito, ang Pilipinas ay bagsak sa huling ranggo sa pagbasa at pangalawa sa huli sa agham at matematika sa 79 na bansa ayon sa naging resulta ng PISA 2018. Kung tutuusin, napakaraming problema ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas, maraming dapat unahing solusyonan ngunit bakit ito pa ang inuuna ng kagawaran? Bakit hindi ang mga musmos na bata na tila sardinas sa kanilang silid at wala pang natutunan? Bakit parang ginagawa na lamang nila ito para may masabing may nagawa sila? Paano na magkakaroon ng pag-asa ang bayan kung ganito ang nararanasan ng kabataan?
Ang guro ay propesyong may obligasyong magmulat sa loob ng paaralan, ngunit hindi ito natatapos dito. Sila ang ating pangalawang magulang, kapatid, kaibigan na nagbibigay karunungan sa ating buhay bukod sa mga leksyon sa paaralan. Ang pagbabawal sa pakikipag-usap ng guro at estudyante ay pagbabawal na magkaroon tayo ng magandang relasyon na siyang pundasyon upang mas lalo pang matuto. Sinasarado nito ang oportunidad ng mga guro at estudyante na magkaroon ng magandang relasyon at diskurso. Hangga’t hindi lumalampas sa limitasyon ang pakikipag-ugnayan ng mga guro sa labas ng paaralan ay hindi ito masama. Kayat sana pagnilayan ng kagawaran ang kautusan na ito, dahil ano nga ba ang benipisyo nito sa atin?
-Isinulat ni Aliyah Ace B. Sanchez
Buwan ng Oktubre nang inanunsyo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng facemask. Ito ay nakaayon sa panukalang nakasaad sa Executive Order No. 7 S. 2022 na nagpapahintulot ng boluntaryong pagsusuot ng facemask sa panloob at panlabas na seting kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng pamantayang pangkalusugan.
Kamakailan lang din ay pinayagan ng DepEd ang boluntaryong pagsusuot ng facemask sa loob ng pampubliko at pribadong paaralan. Ngunit sa patuloy na banta ng COVID-19, makabubuti nga kaya ang anunsyo hinggil sa boluntaryong pagsusuot ng mask? Mabuti kaya ang epektong dulot ng nasabing panukala para sa lahat ng mag-aaral? o magdudulot lamang ito ng kapahamakan at pagtaas ng kaso ng COVID-19?
Ang sakit na COVID-19 ang kumitil sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit nahinto ang face to face classes sa ating bansa. Bagama’t may bakuna laban dito, ang pagsusuot ng facemask ay isa rin sa mabisa na pantulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito. Ngayong buwan ng Nobyembre ay muli nang magbabalik sa nakagawiang klase ang bawat paaralan. Ilulunsad na ang full face to face classes, ibig sabihin ay magsasama-sama na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Sa ganitong sitwasyong dumarami na ang mag-aaral na nasa paaralan at hindi maiiwasan ang pagdidikitan, nagdudulot pa rin nga ba ito ng kaligtasan para sa mga estudyante?
Dalawa ang maaaring dulot ng pagsusuot at hindi pagsusuot ng facemask. Una, ang hindi pagsusuot ng facemask ay isa sa mga salik para mahawaan sila ng sakit na COVID-19 dahil sa lantad ang bibig at ilong sa mga hangin na pwedeng may laman na bacteria na maaaring magdulot sa kanila ng sakit. Samantala, ang patuloy na pagsusuot naman nito ay makatutulong upang maproteksyunan ang sarili laban sa malubha at kumakalat na virus.
Sa paaralan ng DNHS, makikita na may ilan ng mag-aaral ang hindi nagsusuot ng facemask. Ang mga nakatatanda at/o may katungkulan ang sumusuri kung ang mga batang pumapasok ay may sakit gamit na rin ang temperature scanner. May mga estudyanteng sumasang ayon at hindi sumasang ayon hinggil sa usaping ito. Sa panig ng mga sumasang ayon sa boluntaryong pagsusuot ng facemask, ang kanilang dahilan ay ang init. Ang init ay pwedeng magdulot sa kanila ng iba’t ibang uri ng sakit katulad na lamang ng Heat Rash, Heat Cramps, at Heat Stroke. Ang ilan namang rason ay dahil sa hirap silang makahinga. Ngunit bago pa man magsimula ang klase ay pinapaalalahanan na ng mga guro ang mga mag-aaral kung nahihirapan man na huminga o may hindi magandang pakiramdam dahilan ng pagsusuot ng facemask, maaari silang magpaalam dahil para naman iyon sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral. May mga nakahandang ring suporta ang paaralan kung sakali man mangyari ang mga ganoong sitwasyon. Nariyan ang clinic ng paaralan at ang mga guro na handa silang tulungan.
Ilan din ang hindi sumasang ayon sa boluntaryong pagsusuot ng facemask, dahilan naman ng mga ito ang nagbabadyang virus na maaari nilang makuha sa kanilang kapaligiran pati na rin ang mga taong walang pakialam kung umubo at hindi marunong magtakip ng bibig at ilong. Ang simpleng ganitong gawain ay isa sa mga salik kung bakit kumakalat ang virus na ito. Isa pa, may mga sitwasyon na hindi nasusunod ang social distancing, kaya’t mas pinipili ng ilan na magsuot ng facemask para makaiwas na mahawa. Sa loob naman ng paaralan ng DNHS, may mga nakahanda ng alcohol at medical kits kung sakali man na ang isang estudyante ay makaramdam ng sintomas ng COVID. Ngunit kung susumahin sa pagtingin sa paligid sa paaralan na ito, marami pa ring estudyante ang nakasuot ng facemask sa pangangalaga pa rin ng kanilang kalusugan.
Kung sakali mang ang mga mag-aaral ay makisali sa boluntaryong pagsusuot ng facemask, ano nga ba ang mga posibilidad na maging epekto nito sa kanila? Una, may mga nadedetect na bagong variant ng virus na COVID sa ating bansa. Nitong Oktubre 18, natuklasan na ang unang kaso ng Omicron Subvariant XBB at ang XBC variant. Siguradong pangamba at takot ang mararamdaman ng kanilang mga magulang kung sakali mang mahawaan ang kanilang mga anak. Bukod dito ang boluntaryong pagsusuot ng facemask, kabilang na ang mga mag-aaral ay magdudulot ng pagtaas ng kaso. Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman ang opsyunal na pagsusuot ng facemask ay magdudulot ng pagtaas ng kaso sa ating bansa. Panghuli, ang kaligtasan sa kalusugan ng mag-aaral, nasabi sa unang dahilan na may nadetect na bagong kaso ng Omicron. Alam ng bawat isa sa atin na ang virus na ito ay nakamamatay, kung para sa kalusugan ng ating mga anak mas mabuti munang magsuot ng facemask para makaiwas sa hanggang ngayong kumakalat na virus na COVID.
Sa aking nakikita, dumarami na ang hindi nagsusuot ng Facemask. Labas man o loob ng paaralan. Nabanggit na rin sa mga balita na ang Pilipinas ay ang bansa sa Southeast Asia na hindi pa nagpapatupad ng Opsyonal o boluntaryong pagsusuot ng Facemask. Ngayon na isa na tayo doon, maganda ba ang naging epekto nito? Marahil sa iba oo, at ang iba ay hindi, may iba naman na Neutral. Sa estudyante, mabuti ba? Sa ating bansa, ito ba ay nakatulong? Minsan na bang pumasok sa ating mga isipan bakit natuloy ang boluntaryong pagsusuot ng Facemask sa ating bansa? Tayo nga ba’y nakikigaya lang, o hindi kaya ayaw magpahuli?
O sinuri muna bago pa man ipatupad ito? Marami tayong kuro kuro sa ating isipan pero kung ang kalusugan ang pinag uusapan dapat nating isipin mabuti ang kung makakabuti ba o hindi.
Gayunpaman, nakadepende pa rin sa bawat isa sa atin kung tayo ay magsusuot ng facemask o hindi. Ngunit ang pinag-uusapan dito ay ang ating kalusugan, hindi ba dapat nating alalahanin ito? Ika nga nila Health is Wealth. Sa ibabaw ng lahat, ang pagtanggal ng facemask ay may mga kaakibat na resulta, maganda at hindi. Ngunit makakatulong nga ba ito sa atin, bilang mamamayan, estudyante, guro, o ano man tayo, ang boluntaryong pagsusuot ng Facemask?
SASABAK NA SA KATOTOHANAN!
( Senior high: Grade 12 immersion )
-Loreign Faith T. Laguna
Noong Marso 6, 2023 kami ay mapalad na makapanayam ang isang istudyante ng Grade 12 na si Judie Calida ng GAS 12-Descartes tungkol sa mga detalye ng nagaganap na IMMERSION ng mga grade 12. Ayon sa kaniya ang anunsyo tungkol sa magaganap na immersion ay sinabi noong buwan ng Disyembre bago magkaroon ng semester break ang buong paaralan. Nagsimulang mag handa ang bawat istudyante ng iba’t ibang strand/track ng Dalandanan National High School, katulad ng pagayos ng kanilang mga uniporme na gagamitin sa kanilang immersion, pagiging pamilyar sa mga dapat nilang gawin at sa hindi. Ikalawang linggo naman ng Enero ay nangyari ang immersion para sa kanila upang mapagusapan ang mga dapat gawin sa bawat industry na pupuntahan at kung ano ang mga benepisyo na makukuha ng bawat istudyante at kung paano mapapayabong ang kanilang kakayahan sa kanilang immersion.
Ani ni Reaven Inoy ng TVL12-Aconite, sa kanila naman ay noong Pebrero 21, 2022, isang linggo bago ang kanilang immersion naganap naman ang kanilang immersion orientation. Pagkatapos nito ay lahat ng representative ng bawat industry ay namili ng mga istudyante upang mainterview base sa resume nila. Sa mga nagimmersion sa Shakey’s na katulad niya ay kung sino man ang nainterview ay kusa nang nagimmersion sa Shakey’s. Depende ang pagpili ng kanilang mapapasukan sa bawat strand ng Grade 12 Senior High.
Ang katapusan ang immersion ay maaring mag tapos sa loob ng buwan ng Abril ngunit malayo pa ito at mari pang mapagdadaan an gating mga Ate at Kuya ng Dalandanan National High School. Binahagi din ni Judie Calida ang kanyang mga naranasan at nararamdaman tungkol sa kanyang immersion “Sobrang thankful ako sa na puntahan ko dahil mas nagimprove yung computer skills ko at mas nagamit ko ang tinuro sa akin ng teacher ko na paano guma ng formal request letter.” at dito palang nagsisimula pa lang ang ka nilang paglalakbay sa mundo, unti-unti na silang lumalago bilang isang bagong henerasyon ng Pilipinas.