-Isinulat ni Rham Josh C. Paulino
Oktubre 05, 2022 (Miyerkules) Naki-isa ang lahat ng kasapi ng Mataas na Paaralan ng Dalandanan sa pagdiriwang ng araw ng mga masisipag at mapagmahal na mga guro na may temang “Gurong Pilipino: Dangal ng Sambayanang Pilipino (Filipino Teachers: Pride of the Filipino Nation).”
Nagsagawa ng programa sa pangunguna ng pamunuan ng Supreme Student Government (SSG) upang surpresahin ang mga guro ng paaralan ng munting regalo sa tulong ng mga pangulo ng bawat klase. Naghanda ng maliliit na kahon na naglalaman ng iba’t ibang mensahe at regalo mula sa mga estudyante na isa-isa namang iniabot ng pamunuan ng SSG sa mga guro.
Binigyang pagkilala rin sa ‘Student’s Choice Award’ na pinangunahan ng SSG sa pamamagitan ng sarbey ang mga napiling guro sa bawat baitang. Itinanghal na panalo sa ika-pitong baitang sina Gng. Elizabeth Llander– Departamento ng Matematika, Bb. Irish Mae Dela Cruz– Departamento ng Agham, Gng. Monica Louise Zafra– Departamento ng English, Gng. Mary Paz Fernando– Departamento ng Filipino, Gng. Lany Sabaot– Departamento ng Technology and Livelihood Education (TLE), Gng. Marie Ocampo– Departamento ng M.A.PE.H, Bb. Maria Teresa Nuñal– Departamento ng Araling Panlipunan at si Bb. Welisa Tawaay– Departamento ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP).
Para naman sa ika-walong baitang, pinarangalan sina Gng. Marissa Trinidad– Departamento ng Matematika, G. Seven June Sumbillo– Departamento ng Agham, Gng. Evangeline Toling- Departamento ng English, Gng. Rhea Togores– Departamento ng Filipino, Gng. Charity Lahom– Departamento ng T.L.E, Bb. Katherine Advincula– Departamento ng M.A.PE.H, Gng. Carmela Cruz– Departamento ng Araling Panlipunan, at si G. Jeff Kevin Bonete– Departamento ng ESP.
Para naman sa ika-siyam na baitang, nagwagi sina G. Bernard Lucenecio– Departamento ng Matematika, G. Rommel Llanillo– Departamento ng Agham, Gng. Jamilyn Lagunzad– Departamento ng English, Gng. Jocelyn Dela Cruz– Departamento ng Filipino, Gng. Maria Vecina– Departamento ng T.L.E, G. Bryan Jake Oliva– Departamento ng M.A.PE.H, Gng. Joy Quilang– Departamento ng Araling Panlipunan, at Gng. Jasmin Amad– Departamento ng ESP.
Hindi naman nagpahuli ang mga guro sa ika-sampung baitang, una na ngang pinarangalan si Gng. Ma. Elena Bobis– Departamento ng Matematika, sinundan nina Bb. Shylla Rose Laguador– Departamento ng Agham, Gng. Ma. Lourdes Gonzales– Departamento ng English, Gng. Corazon Reyes– Departamento ng Filipino, Gng. Roxanne Recarion– Departamento ng T.L.E, G. Prisco Penetrante– Departamento ng M.A.PE.H, Gng. Cecilia Simeon– Departamento ng Araling Panlipunan, at si Bb. Darlene Gay De Leon– Departamento ng ESP.
Gayundin ang mga gurong binigyang pagkilala sa angking husay na ipinakita sa Senior High School na sina G.Richard Reteracion, Gng. Mary Ann Balmes Orio, G. Mark Anthony Amad, Gng. Rolinda Lumanlan, Gng. Imee Mendoza, G. Alfred Mendoza, G. Robbneil Sedilla, Gng. Ariane Alejandrino, Gng. Donna Zabalza, G. Mark Ian Eusebio, Gng. Eli Sean Villena Areglo, Gng. Gretchen Luares, G. Jomar Leabres na mula sa ika-labing-isang baiting at sina G. Frallie Tolentino, G. Peter Paul Guevara, Bb.Sheen Esperancilla, Bb. Erma Valera, G. Mike Angelo Palmes, Gng. Eleanor Grace Lanozo, Bb. Fatima Duncab, G. Rolly Dayrit, Gng. Susana Pasco, G. Gener Respicio na kapwa mga guro ng ika-labindalawang baitang.
Nag-alay rin ng munting harana at bulaklak ang pamunuan ng Computer Student Organization (CSO) at ang Kalasag Team sa bawat departamento at opisina ng mga Head Teachers. Samantala, may kaniya-kaniya namang pakulo ang bawat klase ng paaralan upang surpresahin ang kanilang mga minamahal na Gurong Tagapayo.
Sa simpleng pagkilala ng hindi matatawarang mga ambag at pagkabayani ng guro sa pagkatuto at paghubog sa kakayahan ng bawat mag-aaral ay isang malaking ligaya na ang hatid sa kanila. Naipararamdam natin na kahit sa isang araw lamang ay mabigyang pansin at pasasalamat ang pagod, oras, pera at talinong iniaalay ng mga guro upang tayo ay matuto at maging mahusay na mga indibidwal.
–Isinulat ni Precious Irish S. Gomez
Ilang linggo ang ginugol ng mga mag-aaral na bahagi ng Kalasag at Computer Student Organization (CSO) para sa paghahanda ng kauna-unahang digital na Pahayagan sa mataas na paaralan ng Dalandanan.
Oktubre 21, 2022 nang isinagawa ang pagpupulong ng dalawang organisasyon upang mapag-usapan at maisaayos ang gagawing proyekto. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng inspirasyonal na mensahe nina Gng. Anathalie Ponciano, G. Marcelo Jose at Gng. Emily Clapiz. Kaugnay nito, inaasahan ng mga masisipag na guro ang pagtutulungan ng mga mag-aaral para sa maayos at makabuluhang pahayagan. Sama-samang bubuo, makikiisa at gagawin ang proyekto nang puno ng dedikasyon upang maging matagumpay ang gawain hanggang sa huli.
Inilunsad naman noong Oktubre 28, 2022 ang isang seminar para sa mga mag-aaral na bahagi ng pahayagan. Masayang naghatid ng kaalaman at kasanayan ang guro na si Bb. Jamie T. Palmario hinggil sa pagsulat ng balita. Sa pamamagitan nito, maihahanda ang mga kasapi ng organisasyon sa pagbuo ng isang makabuluhang balita. Magkakaroon ng bagong kaalaman at interes ang bawat isa hindi lamang sa pagsulat, bagkus maging sa pagbasa. Hangad din ni Gng. Palmario ang pagtutulungan at kasiglahan ng bawat isa sa pagbuo ng proyektong ito. Naging aktibo ang mga mag-aaral sa pakikinig at sabik na natuto upang makagawa ng balita na mababasa at maaasahan ng lahat ng mag-aaral sa Dalandanan. Inaabangan din ng lahat ang mararating na tagumpay sa paggawa ng malaking proyekto na ito para sa paaralan.
-Isinulat ni Joie Mae O. Baguio
Ang Career Guidance Program ay sinimulan sa Dalandanan National High School noong Disyembre 2, 2022. Nagbibigay ito ng gabay sa mga mag-aaral sa ika-10 na baitang kung anong landas ang dapat nilang tahakin pagkatapos ng junior high school. Ang programa ay idinisenyo upang tulungan ang mga mag-aaral na gumawa ng pinakamahusay na pagpipilian para sa kanilang mga karera sa hinaharap. Ang iba't ibang paaralan ay nagbibigay ng gabay upang matulungan ang mga mag-aaral mula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang programang ito dahil makatutulong ito sa kanila na pumili ng landas na hahantong sa tagumpay.
Itinuro ng bawat tagapagsalita ng paaralan ang limang track na maaaring kuhanin pagdating sa senior high school. Una, narito ang Accountancy Business Management o ABM, na maaaring makatulong sa mga mag-aaral na mahilig o gustong magnegosyo. Pangalawa ay ang Science Technology Engineering and Mathematics o STEM, na makatutulong sa mga mag-aaral na gustong maging engineer. Ang focus ng strand na ito ay agham at matematika, at sa lahat ng mga strand, ang STEM ang may pinakamalawak na saklaw. Pangatlo ay ang Humanities and Social Science o HUMMS, na makatutulong sa mga estudyanteng may malawak na pag-iisip. Pang-apat ay ang Technical-Vocational Livelihood o TVL, na makatutulong sa mga mag-aaral na mahilig maki-kiliti sa mga bagay-bagay o 'di kaya'y para sa mga estudyanteng mahilig magluto. At ang panghuli o panglima ay ang General Academic Strand o GAS, na para sa mga estudyanteng hindi sigurado kung anong kurso ang gusto nilang ituloy, dahil lahat ng subject ay pag-aaralan sa track na ito. Sinabi rin ng programa na mainam na linangin o pag-isipang mabuti ang pagpili ng strand upang maging masaya at makabuluhan ang dalawang taon mo sa senior high school.
Maraming mga paaralan ang nag-alok ng mga programa para sa senior high school, at bawat isa ay may sariling lakas. Ang mga kinatawan mula sa aming mga nakapanayam na paaralan, - tulad ng Our Lady of Fatima (OLFU), South East Asia Institute of Trade and Technology, ACLC, STI College, Manila Central University (MCU), at Jesus is Lord Colleges Foundation Inc. - lahat ay sumasang-ayon na ang paaralan na iyong mapipili ay napakahalaga para sa iyong kinabukasan. Sa huli, mahalagang isaalang-alang ang iyong mga pangangailangan at layunin kapag pumipili ng paaralan. Ang mga tagapagsalita sa aming mga nakapanayam na paaralan ay umaasa na ang kanilang payo ay makatutulong sa iyo na gumawa ng pinakamahusay na desisyon para sa iyong hinaharap. Karamihan sa mga tagapagsalita ay binigyang diin ang kahalagahan ng paggawa ng tamang desisyon kapag pumipili ng track sa senior high school. Idiniin din nila ang kahalagahan ng paghahanap ng paaralan na tutulong sa iyo na maabot ang iyong mga layunin. Bukod pa rito, binanggit nila ang mga benepisyo ng pag-aaral sa kanilang paaralan - tulad ng matatag na akademya, mga dekalidad na pagkakataon para sa ekstrakurikular, at mga sumusuportang kawani.
-Isinulat ni Vianka Nicole M. Togores
Noong Disyembre 07, 2022 nagkaroon ng paligsahan ang ESP Department kung saan ipinagdiwang nila ang VALUES MONTH. Ang values month na ipinagdiriwang ay may iba’t ibang katigoryang na pwedeng salihan, katulad ng calligraphy making contest, poster making contest, spoken poetry contest, at vlog making contest. Ang tema ng paligsahang ito ay “MAGANDANG KAUGALIANG PILIPINO; ISABUHAY AT PAGYAMANIN TUNGO SA MATIWASAY AT MAUNLAD NA KINABUKASAN" at ito ay isa sa mga magagandang gawain dahil nagkakaroon ng bagong kaalaman ang mga mag aaral, nalalaman nila at natutunan ang mga tungo sa matiwasay at maunlad na kinabukasan para sa mga Pilipino.
Isa sa mga nakapanayam namin ay isa sa mga nagwagi sa poster making contest na si Raisie D.g. Tolentino, Grade 8 student. Ayon sa kaniya, sumali siya sa poster making upang magamit ang kaniyang talento sa pagguhit. Ayon din kay Angel Mae T. Carale, Grade 8 student na nagwagi naman sa spoken poetry, ay gusto niya pa na mas maging talentado at mas mahasa niya ang kaniyang sarili. Nakikita natin na may naitutulong ang mga contest na ito dahil tinutulungan nila tayong mas maging talentado at mas mahasa pa ang kani-kanilang mga talento. Nagkaroon din ng presentasyon ang mga estudyanteng taga-Dalandanan National High School para sa darating na pasko, kung saan sila ay aawit. Nagbigay rin ng biyaya ang mga guro sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao at ang mga punong-guro sa mga piling estyudante.
-Isinulat ni Cassandra B. Pimentel
Ang Dalandanan National High School ay nagsagawa ng isang School Risk Reduction noong Oktubre 17 hanggang Oktubre 20, 2022. Pinangunahan ito ng mga Grade 10 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng room-to-room discussion tungkol sa disaster preparedness.
Ang mga estudyante mula sa 10-Luna, Lapu-Lapu, Mabini at Ponce, ay nagkaroon ng adbokasiya para sa paghahanda sa sakuna. Kabilang sa adbokasiyang ito ay ang pagtatalakay nila sa harapan ng bawat silid sa paaralan ng grade 7-12, tungkol sa paano maghanda para sa sakuna. Gumamit sila ng mga informative tarpaulin na naglalaman ng mga mahahalagang bagay na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Ang ilan sa kanila ay naghanda rin ng mga halimbawa ng emergency kit upang ipakita sa mga kapwa mag-aaral kung ano ang gamit na dapat nating ihanda sa panahon ng kalamidad.
Ang programang ito ay naglalayon na ihanda ang mga estudyante kung sakaling may darating na sakuna at mga natural na panganib sa paaralan. Sinasanay rin nito ang mga estudyante sa mga hindi inaasahang pangyayari. Layunin rin nito na tulungan ang mga guro, estudyante at mga staff ng paaralan na maging handa sa pagsagip ng kanilang mga buhay, gayundin upang maprotektahan ang ari-arian ng paaralan mula sa mga pinsala.
Sa pangkalahatan, ang School Risk Reduction na isinagawa sa ating paaralan ay may layunin na protektahan ang buhay ng bawat indibidwal na nasa paaralan mula sa anumang panganib na maaari nilang kaharapin.
-Isinulat ni Precious Irish S. Gomez
Tuwing buwan ng Nobyembre ipinagdidiriwang natin ang buwan ng pagbasa. Binigyan pansin ng ating paaralan ang buwan na to sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagbabasa. Isa na rito ang sabayang pagbasa ng kwento na sipi mula sa akda ni Bob Ong, Isang Dosenang Klase ng Highschool Student. Sa pagbabasa nito mahahasa ng mga bata ang kanilang pag unawa sa kwento at masasagutan ang inihandang tanong tungkol sa binasa.
Nanguna rin sa paglikha ng yell ang ibang pangkat tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa, isa na rito ang Pangkat Rizal na pinangungunahan ng kanilang guro sa Filipino, Gng. Anathalie Ponciano. Lalo pa naging masaya ang buwan ng pagbasa dahil sa paglahok ng ating mga mga talentadong estudyante sa TikTok Challenge. Sa patimpalak na ito malayang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagbabasa. Nagagamit din ng mga estudyante ang kanilang kahusayan sa pag eedit,pag gawa ng script at pagsasadula.
Binigyang pansin din ng ating paaralan ang pagsasanay sa mga estudyante sa pagbabasa ng aklat. Sa mga aktibidad na ito naipakita ang pagbibigay pansin sa buwan ng pagbasa. Nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng magbasa,matuto at ipakita ang kanilang husay sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito.