-Isinulat ni: Princess Ella Mae F. Hagara
Paksa: Unang Pag-ibig
Sa pagbukas ng pahina nitong nobela
Nasaksihan ko kung gaano kagaling sumulat ang tadhana
Kung saan dalawa tayong bida sa magandang storya
Masasabi kong pamilyar ang kwentong ito
Dalawang inosenteng puso ang nagkatagpo
Parehong walang kamalay-malay sa agos ng mundong mapaglaro.
Namarahuyo ako sa angkin mong dalisay
Sa agos ng iyong ngiti ako’y nagpatangay
Nalunod na rin sa kalawakan ng iyong mga matang mahusay.
Tayo’y nagkakilala, nagkakwentuhan, nagkasama
Araw at gabing walang oras na hindi napatawa
Walang hanggan ang nararamdamang saya Sa oras ng sakuna, ikaw ang aking pahinga
Ngunit musmos pa ang mga puso
Sa pagsabak sa walang kasiguraduhang mundo,
Sinubok ang inosenteng pag-ibig ng mga nilalang na ito
Nagbago bigla ang ikot ng kwento
Hindi na ako ang naging dahilan ng mga ngiti mo
Ngunit ilalaan ko sa tadhana ang pahinang ito
Alam kong pinagtagpo tayo upang matuto
Na ang pag-ibig ay hindi para sa mga mahihina ang puso
Kung hindi sa mga taong kayang sumugal sa isang laro
Larong walang kasiguraduhan ang pagkapanalo
Gusto ko mang tayo ang magkasama sa wakas nitong nobela
Ngunit dito na matatapos ang storya
At iiwan ang lahat ng alaala upang gumawa ng panibagong kabanata
Dahil ikaw man ang prologo ng kwentong ito
Ngunit hindi ikaw ang aking epilogo.
-Isinulat ni: Shanine Ijie V. Salome
Usong-uso talaga ang mga trends, 'no?
Daming trending dito sa twitter at facebook
Nagpost is idol, ila-like at share ko 'to
Teka lang, punong-puno na ang browser ko
Social media talagan nakaka-adik
Buntis na daw itong sikat na artista
"True ba? Like Legit!" tanong ng mga tao
Itong mga bashers ay walang magawa
Ang talas talaga ng antena nitong mga marites,
Akalain mo palaging updated sa latest
Ngunit ika'y mag-iingat kaibigan
Mahirap na, baka fake news na naman 'yan!
Ang mga pekeng balita ay kay bilis
Sa t'wina, suriin lagi ang iyong source
huwag kakalimutan, "Think before your click"
Kung ayaw mong sumabog ang iyong notif
-Isinulat ni: Alen
Ang aking unang pag-ibig
Sa simula pa lang ay sadyang kaibig-ibig,
Ang iyong bawat ngiti at boses na kay sarap pakinggan,
Sa araw-araw ay siyang aking kinaaadikan.
Kay sarap ulit-ulitin.
Ang bawat halakhak at kuwentuhan,
Ay siyang paulit-ulit bumabalik sa akin,
Ang masasayang araw at mga kulitan.
Ang hirap magsimula sa umpisa,
Dahil hindi mo alam kung sa’n ito mag-uumpisa.
Mahirap humanap ng bagong magiging paksa,
At pumasok sa bagong pahina at dahilan ng pagluha.
Ikaw at ikaw parin ang una at huling mamahalin
Madaming iba, pero sa’yo paulit-ulit bumabalik dahil ika’y akin.
O hindi ko na ba masabing ika’y akin?
Huwag naman sana dahil mga ala-ala’y bumabalik sa’kin.
Mahal Kita, mahal na mahal, kaya kay hirap humanap ng iba.
Ang hirap humanap ng iba, ng bagong isang tahanan dahil malaki ang pagkakaiba,
Kaya kay hirap mag-umpisa,
Kaya ako ito bumabalik sa unang pag-ibig na sayo’y nag-umpisa.