-Isinulat ni Rham Josh C. Paulino
Noong pumasok ang taong 2023 nagbukas ang ating paaralan para sa mga magaaral na nais maensayo at mahubog ang kanilang mga talento pagdating sa paglalaro ng iba’t-ibang isport. Isa na sa mga ito ang larong badminton, nagsimula magensayo ang mga ito noong enero 17, 2023 sa pangunguna ng kanilang Teacher head coach na si Ma’am Lourdes Odette Fernando kasama ang kanilang mga players na pinangungunahan ni Christopher Tabuñar sinundan naman nina Ralph Daniel Fabon, Rham Josh Paulino, Lyka Mharaiza Beltran at si Kyla Denise Concepcion. Ang mga ito ay magbubukas ng grupo o samahan ng mga studyante na nagnanais matuto pagdating sa paglalaro ng badminton at magkaroon ng oportunidad na makalpaglaro at irepresenta ang ating paaralan para sa larong pampaaralan.
-Isinulat ni Ehriette Jade M. Lagunzad
Noong Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 6, ang Valenzuela Arnis Team ay tumungo sa Unibersidad ng Makati upang makilahok sa 3rd Makati Arnis Challenge. Ang Valenzuela Arnis Team ay binubuo ng ilang mga players, sila ay selected players na galing sa ibat-ibang paaralan at unibersidad sa Valenzuela. Ito ay sina Jenalyn Desulat, Nicole Enriques, Kristine Mae Balunsat, Ivann Patrick Gurrobat, Jefferson Cenita, Kristelle Faith Valiente, at Cedrick Apolonio. Pinamunuan ito ng kanilang trainer na si Ma'am Kathirine Advincula, isang guro sa Mataas na Paaralan ng Dalandanan.
Mayroong juniors at seniors category sa larong ito. Sa larong Arnis ay mayroong Anyo (Forms) Event o demonstration at Full Contact Event o Sparring. Limang weight division sa Full-contact Event at apat na kategorya sa Anyo Event ang nilaro at naging bahagi ng official medal tally ng mga kalahok.
Ang pagsasagawa ng Full Contact Event ay dapat sa isang two-out-of-three round system. Ang bawat round ay dapat na gaganapin sa loob ng maximum na dalawang (2) minuto para sa Secondary level. Ang mga manlalaro ay kinakailangang magpakita ng mga masining na paggalaw ng arnis na natatangi sa kanilang mga istilo nang hindi bababa sa tatlong (3) segundo kapag sinabi ng referee na "HANDA".