-Isinulat ni Hanna Kim E. Langcapone
Naging isang malaking hamon sa ating buhay ang pagharap sa panahon ng pandemya. Dahil sa banta na dala ng Coronavirus, nagsimula na mangamba ang ilan tulad sa Sektor ng Edukasyon. Maraming lubos na naapektuhan, kabilang na ang mga mag-aaral na gustong matuto sa gitna ng kinakaharap na krisis ng ating bansa, at naging dahilan na maging hadlang sa pag abot ng pangarap ng mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Gayunpaman, naisulong ng kagawaran ng Edukasyon ang paraan kung saan maipagpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng "Online Class learning" Kung saan mayroon mga naging positibo at negatibong epekto, hindi lang sa mga estudyante kasama rin ang mga magulang, at guro. Subalit, hindi naging madali para sa lahat ang ganitong sistema ng pagkatuto. Sa negatibong panig, Isa sa mga pagsubok na kinaharap ng mga estudyante ay ang kawalan ng motibasyon at hirap maunawaan ang aralin. Maaaring dahil ito sa kakulangan ng gadget at mahinang internet connection. Ayon sa Speedtest Global Index, pagdating sa mobile internet speed ay pang-109 ang Pilipinas sa 139 na bansa na gumagamit lang ng 19.48 Mbps, samantalang ang bansang Norway na may pinakamabilis ay 67.54 Mbps. Bukod sa nahihirapan ang estudyante na maintindihan ang aralin, mas lalong nababad sila sa pag gamit ng cellphone at social media. Maraming kabataan din ang naadik sa pag lalaro ng online games kaya't nauubos lang ang kanilang oras sa paglilibang na humahantong sa kakulangan sa tulog at mahinang resistensya. Sa mahabang oras na kanilang ginugugol sa screen, hindi na nagiging aktibo ang kanilang katawan sa anumang mga gawain. Sa katunayan, ang online learning ay may naging malaking epekto sa pisikal lalo na sa mental na kalusugan ng mga kabataan. Ito ay isa sa mga sanhi ng pagtaas ng kaso ng mental health problem sa ating bansa. Ayon sa eksperto, ito ay nag reresulta ng stress at hirap na makipagkapwa tao. Bukod dito ay nawawalan sila ng kamalayan at pakialam sa paligid. Ang mga guro ay kasama rin sa lubos na naapektuhan nang simulang magbago ang sistema ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Kinailangan na tanggapin ang ganitong sitwasyon ng new normal at makipagsabayan sa bagong paraan ng pagtuturo. Naging mahirap at nakakapagod ang responsibilidad na kanilang ginampanan. Isa sa mga naging suliranin ng mga guro ay ang mababang bilang ng pumapasok na estudyante sa tuwing online class. Dagdag pa rito, hindi sapat ang oras at pana
-Marry Rose Q. Apitan
Dalawang bansa ang nag-aaway dahil lang sa di pagkakaunawaan. Maraming inosenteng tao na nakatira sa Ukraine ang nadadamay. Feb 24, 2022 yinanig ng Russia ang bansang Ukraine may mga pagsabog na naganap at narinig ito ng madaling araw sa Kyui. Umalingawngaw ang putok ng baril at pinaulanan ng Russian Missle ang mga lungsod sa Ukraine. Tinatayang nasa labing apat na libo (14,000) na ang nasawi o namatay mula noong sumiklab ang away nang dalawang bansa. Ang Ukraine ay isang demokratikong bansa na may 44 na milyon na tao at mahigit 1,000 taon ng kasaysayan. Ang Ukraine ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng USSR (United Socialist Soviet Republic) sa pananaw ng Russia bukod dito ang mga armas na pandigma ng Russia ay nasa Ukraine tinatago, may roon din silang koneksyon sa isa’t-isa na nagmula pa noong ika 9 na siglo. Ngunit bakit ng aba nagkaroon ng hidwaan sa dalawang bansa? Nagmula nang mabuwag ang USSR noong 1991 unti unti naring nawala ang mga natural na pananggalang ng Russia sa mga kalaban nito noong Cold War na North Atlantic Treaty Organization (NATO). Sa paglipas ng panahon unti unti naring umaanib ang USSR sa NATO. Sa nakalipas na buwan ay nagbabalak narin ang bansang Ukraine sa NATO at EU kaya naman nagbanta ang Russia na sugurin ang Ukraine. Ang hidwaan sa Ukraine ay marami ring bansa ang naaapektuhan isa na dito ang pilipinas sa pagmahal ng bilihin ay maraming pilipino ang umaaray sa presyo pati petrolyo at gasulina kaya maraming motorista at mga pampasaherong sasakyan ay umaaray sa presyo. Ang Ukraine ay isang magandang bansa di sila nag-hahanap ng away. Alam ng Ukraine na mahirap kaaway ang Russia. 2014 nang patalsikin ng mga Ukrainian ang kanilang lider nasa dating President Viktor Yanukouyeh dahil sa pagsususpindi nya sa pag-uusap sa European Union (EU) noong mgta panahon na iyun kung saan patuloy ang pag-bagsak ng ekonomiya ng Ukraine kaya naman sinakop nila ang Crimea na dating parte ng Ukraine kung saan nagkaroon ng labanan ng bawat sandatahan. Dahil ditto mas lumakas tuloy ang paninindigan ng Ukraine na sumanib