Nakatuon ang modyul na ito sa Aralin 5 na tutukoy sa Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Ito ay nahahati sa apat na yugto sa paghahanda ng CBDRRM Plan:
Ika-pitong Linggo
Paksa 1: Unang na Yugto - Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad
Paksa 2: Ikalawang na Yugto - Paghahanda sa Kalamidad
Ika-walong Linggo
Paksa 3: Ikatlong na Yugto - Pagtugon sa Kalamidad
Paksa 4: Ikaapat na Yugto - Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto:
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC5)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
• Nasusuri ang mga konsepto at salik na mahalaga sa pagtataya sa mga maaaring maidulot ng disaster.
•Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging handa sa disaster na maaaring maranasan ng tao.
•Natutukoy ang tugon na dapat gawin ng mamamayan sa panahon ng sakuna o disaster.
•Naisasagawa ang mga gawain bilang paghahanda sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan.
•Nakabubuo ng CBDRRM Plan, batay sa kalagayan ng sariling komunidad.
Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at mababawasan ang panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong pangkapaligiran. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng Community Based-Disaster Risk Reduction Management.
Ang unang yugto na Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay nahahati sa dalawang bahagi; una, ang Paghadlang sa Kalamidad o Disaster Prevention na kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib, Kahinaan at Kakulangan at Kapasidad na tugunan ang kalamidad. Ang ikalawa ay ang Mitigasyon ng Kalamidad o Disaster Mitigation. Kabilang naman dito ang pagtataya sa peligro na maaaring maranasan ng komunidad.
Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sakatagian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
n
ito ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga imprastruktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan.
Ito ay ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.
-Sa bahaging ito, tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad maging ito ay sa mga mamamayan o sa mga imprastrakturang may mataas na antas ng panganib.
-Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang "Rising from the Ashes", ang pagtataya sa kahinaan at kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang pisikal o materyalmateryal; sosyal o panlipunan; at pag-uugali ng tao tungkol sa panganib.
1. Ang kahinaang pisikal o materyal - ay tumutukoy sa kakulangang pinansyal at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga imprastraktura na kayang hadlangan ng epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na kabilang dito ay maituturing na vulnerable at may malaking posibilidad na makaranas ng malawakang hagupit ng kalamidad.
2. Ang pag-uugali tungkol sa panganib - ay nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago ng mga mamamayan ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng komunidad.
3. Ang kahinaang panlipunan - ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang panganib.
Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan:
• Elementong nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan, kabahayan, impraestruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan.
• Mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata.
• Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable. Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ito ay halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable.
Ang pagsasagawa ng pagtataya ng kahinaan at kakulangan ay mahalaga dahil makatutulong ito sa pagbuo ng mas epektibong plano para sa CBDRRM.
Ang pagtataya ng kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Katulad ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya: Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
-Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan na muling bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng kalamidad. Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga mamamayan na muling manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan, magagawa ba ang mga imprastrakturang naapektuhan, maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan?
-Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri kung epektibo ang plano sa pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga kalamidad. Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan?
-Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakahayahan na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon muli sa pinsala ng kalamidad. Maayos bang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong programa ng pamahalaan?
Sa pamamagitan ng pagtataya ng peligro nagiging matibay ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at nagkakaroon sila ng sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan ang matinding epekto nito.
- Ang Mitigasyon ng Panganib ay maaaring ikategorya sa dalawa, ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di- Estruktural
Ito ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama ng panganib. Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga istruktura na hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad.
Ito ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad. Kabilang sa mga gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad.
PAGHAHANDA SA KALAMIDAD
(DISASTER PREPAREDNESS)
Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay tinatawag na paghahanda sa kalamidad. Ito ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan, komunidad at pamahalaan bago ang panahon ng pagtama ng kalamidad o sakuna. Sa pagkakataong ito, mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang lahat ng mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama ng kalamidad.
Ang aktibong koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, partisipasyon ng bawat sektor ng lipunan at kooperasyon ng mga mamamayan ang pinaka sentrong batayan sa pagkakaroon ng sistematikong paghahanda sa kalamidad. Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng isang kalamidad. Isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay ang pagbibigay ng paalala at babala bago tumama o maging sa panahon ng kalamidad.
Maraming mga pagkakataon na ang makapagliligtas sa tao laban sa matinding epekto ng sakuna ay ang kanyang tamang kaalaman sa nagaganap sa kanyang paligid. Ang paghadlang sa malawakan at malubhang pagkasira ng estruktura, mapababa ang bilang ng mga maaapektuhan at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad ang pangunahing layunin ng yugto ng Paghahanda sa Kalamidad.
Magbigay Impormasyon (To Inform)- Pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga panganib, peligro, kakayahan, at pisikal na katangian ng komunidad na mahalaga sa pagtugon sa kalamidad.
Magbigay Payo (To Advice)- Pagbibigay ng gabay tungkol sa mga nararapat gawin para sa proteksyon, paghahanda, paghadlang at pag-iwas sa epekto ng kalamidad.
Magbigay ng Panuto (To Instruct)- Paglalahad ng mga hakbang na dapat gawin, ligtas na lugar na dapat puntahan, at mga ahensya na maaaring lapitan sa panahon ng kalamidad.
Ang mga resulta ng pagtataya sa mga maaaring maranasang kalamidad at ang kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga ito ay bahagi lamang sa paghahanda sa plano ng pamamahala sa kalamidad.
(DISASTER RESPONSE)
Sa yugtong ito sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad. Ang mga impormasyong makakalap ang magsisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad.
Sa pagsasagawa ng epektibong pagtugon sa kalamidad ang sumusunod na pagtataya ay nararapat gawin upang magkaroon ng kongkretong basehan sa pagbuo ng plano ukol dito.
Ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, damit, tahanan, at gamot.
Ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga imprastraktura at kabahayan.
Ay pagsusuri sa pansamantala upang matagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim.
Sa pagpaplano ng mga gawain sa pagtugon sa kalamidad mahalagang magkaroon ng koordinasyon at maayos na komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto. Magiging matagumpay ang gagawing pagtugon sa mga makakaranas ng kalamidad kung ang resulta ng mga pagtataya sa pangangailangan, pinsala at pagkawala ang pagbabasehan.
Sa bahaging ito ng pagbuo ng plano ng CBDRRM ay mahalaga sa pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Ang mga datos na ito ang nagsisilbing batayan para sa huling yugto ng pagbuo ng plano ng CBDRRM, ang rehibalitasyon at pagbawi sa kalamidad.
((Disaster Rehabilitation and Recovery)
Sa huling yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay nakatuon sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad. Sa bahaging ito, sinusuri ang mga nararapat na hakbang at gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito.
Sa pagbuo ng plano para sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad nararapat na may kongkretong hakbang upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programaprograma. Ilan sa mga pangunahing bibigyang pansin ay ang pagpapanumbalik sa sistema ng komunikasyon at transportasyon; pagkukumpuni ng kabahayan; pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga kabuhayang na pinsala ng kalamidad.
Kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang isang lugar, maaaring maiwas ng malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad. Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan, Non-Government Organizations (NGOs) at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at implementasyon ng mga programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad.
Ang sama-samang pagtugon ng lahat ng sektor ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon.
Related Discussion about the topic are:
https://images.app.goo.gl/ga2sguZhdAu8vuiL9
https://images.app.goo.gl/3WPP8Jt37N3E46hg9
https://images.app.goo.gl/CL1P5gExJsUjUUKZA
https://images.app.goo.gl/Pdckp5ncudPADUjw8
https://images.app.goo.gl/eT98K4BuCSs678TE9
https://images.app.goo.gl/acssYkr5H52SA1417
https://images.app.goo.gl/VktGqHrLR4EMdjWB7
e-workbook-philippines
https://pngtree.com/freepng/international-day-for-disaster-reduction_5524766.html
https://images.app.goo.gl/XX5nx7XxcZ6Q6uCn7