1. Nabibigyan depenisyon ang mga isyu sa hamong pangkapaligiran
2. Natutuhan ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad
3. Naipapakilala ang mga nilalaman ng Go Bag
4. Naibibigay ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
Ang TYPHOON o bagyo sa tagalog ay isang uri ng lagay ng panahon na nagdadala ng mabilis na hangin at malakas na pagbugso ng ulan.Maaari itong maging sanhi ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian.
Mga dapat gawin...
Umantabay sa mga ulat sa panahon sa radio,telebisyon, o sa mga mapagkakatiwalaang social media sites para maging updated sa mga kaganapan sa paligid at balita sa aktibidad ng bagyo.
Mag plano kasama ang pamilya sa panahon ng paglikas, kung sakaling magkahiwalay o abutan ng bagyo sa labas ng bahay.
Ihanda ang mga go bags na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya na sasapat sa tatlong araw.
Gumamit ng flashlight sa halip ng kandila o gasera.
Manatili sa loob ng bahay at manatiling kalmado lagi.
Bunutin sa saksakan ang appliances na hindi ginagamit.
I-off ang main circuit breaker pagnawalan ng kuryente sa bahay.
Umiwas sa mga nalaglag na kawad ng kuryente.
Umiwas sa basag basag na salamin at nabuwal na puno.
Suriing mabuti ang napinsalang parte sa loob ng bahay.
Manatiling alerto at mag ingat.
Narito ang video mula sa "Knowledge Channel" upang magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga nararapat na gawin sa panahon ng bagyo at baha.
Ang PAGBAHA ay kapag nagkaroon ng umaapaw na tubig sa lupa na karaniwang tuyo. Ito ang pinakakaraniwang pangyayari sa natural na panahon. Ang pagbaha ay pwedeng mangyari sa panahon ng malakas na pag-ulan, kapag ang mga ilog ay umapaw, kapag ang mga alon ng dagat ay umabot sa baybayin, kapag ang snow ay natutunaw nang mabilis, o kapag ang mga dam o mga leve ay nasira .
Mga dapat gawin...
Magplano, makakatulong ang pagkakaroon ng plano kung ano ang gagawin mo at ng pamilya kung sakaling magkaroon ng emergency.
Makipag tulungan sa inyong mga magulang sa pagbuo ng kasangkapang pang-emergency na may mga item na kakailanganin mo kung kinakailangang lumikas nang mabilis.
Sabihin sa nakakatanda, o mga magulang kung nakarinig ng babala tungkol sa baha sa TV o radyo.
Bigyang-pansin ang mga awtoridad at mga opisyal ng kaligtasan.Kung mayroong anumang posibilidad ng isang flash flood, lumipat sa mas mataas na lugar o humanap ng masisilungan.
Huwag maglakad, lumangoy, magmaneho o sumakay sa kotse sa tubig baha.
Umiwas sa mga tulay sa ibabaw ng mabilis na tubig.Ang mabilis na paggalaw ng tubig ay maaaring sumira sa mga tulay nang walang babala.
Huwag hawakan ang de-kuryenteng kagamitan kung basa ito o kung nakatayo ka sa tubig.
Lumayo mula sa tubig baha.Ang tubig baha ay posibleng kontaminado, ibig sabihin ay naglalaman ng mga mapanganib na kasangkapan.
ang TSUNAMI ay isang serye ng mga alon (hindi lang isa) na dulot ng malaki at biglaang kaguluhan sa dagat.Ang mga alon ng tsunami ay gumagalaw palabas sa lahat ng direksyon mula sa kung saan ito nagsimula.Habang lumalapit ang malalaking alon sa mababaw na tubig sa baybayin, lumalaki nmga ito at humahampas sa dalampasigan.Maaari itong tumaas nang hanggang sa 100 talampakan.
Mga dapat gawin...
Alamin ang mga senyales ng isang potensyal na tsunami,tulad ng lindol malakas na dagundong mula sa karagatan, o hindi pangkaraniwang pag-uugali ng karagatan, tulad ng biglaang pataas ng tubig.
Alamin at isagawa ang mga plano sa paglikas ng komunidad.Ang ilang mga komunidad na nasa panganib ay may mga mapa ng mga zone sa paglikas at ruta.
Mag-sign up para sa sistema ng babala ng iyong komunidad.Ang Emergency Alert System (EAS) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Weather Radio ay nagbibigay din ng mga alertong pang-emerhensiya.
Kung may lindol at ikaw ay nasa lugar ng tsunami, protektahan muna ang iyong sarili mula sa lindol. Gawin ang Duck,Cover, and Hold.
Kapag huminto na ang pagyanig, kung may mga natural na senyales o opisyal na babala ng tsunami, lumipat kaagad sa isang ligtas na mataas na lugar at sa malayong lugar hangga't maaari.
Kung ikaw ay nasa tubig,humawak sa isang bagay na lumulutang, tulad ng balsa o katawan ng kahoy.
Makinig sa mga lokal na alerto at awtoridad para sa impormasyon sa mga lugar na dapat iwasan at silungan.
Iwasang tumawid sa tubig baha,na maaaring maglaman ng mga mapanganib na pira-pirasong basura(debris).Ang tubig ay maaaring mas malalim kaysa sa nakikita.
Magkaroon ng kamalayan sa panganib ng pagkakakuryente.Ang mga linya ng kuryente sa ilalim ng lupa o nahulog na kuryente ay maaaring ma-charge ang tubig sa kuryente.
Lumayo sa mga nasirang gusali, kalsada at tulay.
Narito ang video mula sa "Knowledge Channel" upang magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga nararapat na gawin sa panahon ng tsunami.
Ang LANDSLIDE o pagguho ng lupa ay maaaring mangyari ng walang babala.Ang mga ito ay kadalasang bunga ng malakas na ulan,lindol at sa ilang mga kaso,aktibidad ng tao.
Mga dapat gawin....
Ihanda ang iyong sambahayan.Alamin ang mga suplay na maaaring kailanganin ninyo at magkasamang gumawa ng plano.
Magsasabi sainyo ng inyong lokal na Civil Defense Emergency Management Group kung may pagguho ng lupa sa inyong pook.
Alamin ang pambabalang mga palatandaan upang ikaw ay makakilos nang maagap kung makita mo ang mga ito.
Umalis kaagad sa daranan ng pagguho ng lupa.
Lumikas kung iyong bahay o gusali na kinaroroonan mo ay nasa panganib, dalhin ang iyong go bag at mga alagang hayop kung magagawa mo ito nang mabilis.
Balaan ang mga kapitbahay at tulungan ang iba kung kaya.
Manatiling alerto para sa mga pagguho ng lupa.
Lumayo sa pook ng pagguho ng lupa hanggang sa ito ay wastong nasuri at nagsabi ang mga awtoridad na ayos na ang lahat.
Mag-ulat ng nasirang mga linya ng utility sa tamang mga awtoridad.
Tanimang muli ang mga napinsalang lupa sa lalong madaling panahon. Ang pagkatibag na sanhi ng kawalan ng panakip na lupa ay maaaring humantong sa flash flooding.
Tulungan ang iba kung kaya mo, lalo na ang mga taong maaaring mangailangan ng karagdagang tulong.
Narito ang video mula sa "Knowledge Channel" upang magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga nararapat na gawin sa panahon ng pagguho.
Ang EARTHQUAKE o lindol ay ang biglaan, mabilis na pagyanig ng lupa.Sanhi ito ng pagkasira ng bato at paggalaw sa ilalim ng lupa.Ang mga karagdagang paglindol, na kilala bilang mga aftershock, ay maaari nang ilang oras,arw, o kahit na buwan pagkatapos ng lindol.
Mga dapat gawin...
Alamin kung ang lugar ay malapit o dinadaanan ng active fault. Siyasatin kung ang lugar ay may malambot na lupa, may matarik na dalisdis, o nasa tabing-dagat o lawa.
Tiyaking matibay at umaayon sa National Building Code ng Pilipinas ang ipatatayong bahay, gusali at imprastraktura upang maiwasan ang pagbagsak dulot ng ground shaking.
Ipasuri ang tibay ng bahay o gusali at iba pang imprastraktura.
Siguraduhing ligtas ang pagkakalagay ng mga mabibigat at mga nakabiting bagay.
Ayusin ang pag-iimbak ng mga nakakalasong kemikal at bagay na maaaring maging sanhi ng sunog.
Matutong gumamit ng fire extinguishers, medical kit, at emergency alarm.
Alamin ang pinakamalapit na emergency exit, pati na ang ligtas at mabilis na daan papunta rito.
Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
Makilahok sa mga pagsasanay ukol sa lindol.
Kung nasa LOOB ng MATIBAY na BAHAY o GUSALI, gawin ang "DUCK, COVER, and HOLD"- yumuko at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paa nito. Manatiling alerto sa mga banta ng panganib sa paligid at magmasid.
Umiwas sa mga bintanang salamin, mga aparador, mabibigat na gamit na maaaring mahulog o matumba.
Agad na lisanin ang bahay o gusali pagkatapos ng pagyanig. Pumunta sa evacuation area.
Kung nasa LABAS, pumunta sa open area.
Lumayo sa mga puno, gusali, poste at ibang instrumento na maaaring bumagsak at tumumba, at mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa.
Kung NAGMAMANEHO, itabi at ihinto ang sasakyan. Huwag magtangkang tumawid ng tulay at overpass dahil maaaring napinsala na ito ng lindol.
Kung nasa TABI NG DAGAT o LAWA, lumikas nang mabilis papunta sa mataas na lugar, papalayo sa tabing dagat o lawa.
Maging alerto sa AFTERSHOCKS.
Unahin na ilikas ang may kapansanan, buntis, bata at matanda.
Suriin ang sarili at kasamahan kung may sugat o nasaktan at agad na bigyan ng paunang lunas kung kailangan.
Suriin kung may natapong nakakalasong kemikal at mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.
Suriin ang mga linya ng tubig at kuryente kung may pinsala. Suriin din ang tangke ng gas o LPG.
Huwag pumasok o bumalik sa loob ng gusaling may nasirang bahagi. Maaari itong gumuho kapag nagkaroon ng aftershocks.
Kung kailangan na lisanin ang bahay o gusali, mag-iwan ng mensahe kung kailan umalis at kung saan ang lugar na pupuntahan.
Narito ang video mula sa "Knowledge Channel" upang magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa mga nararapat na gawin sa panahon ng lindol.
"Kahandaan sa sakuna't peligro para sa tunay na pagbabago"
❖ Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), dapat maghanda ng Lifetime Kit bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. Ito ay dapat na praktikal at kayang dalhin sa paglikas. Kailangang mayroon nito ang bawat miyembro ng pamilya.
❖ Nagmungkahi naman ang Department of Energy (2016), na sa tuwing panahon ng kalamidad tulad ng baha, kailangang maging maingat at disiplinado sa paggamit ng koryente upang maiwasan ang disgrasya.
❖ Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) ang nilagdaan ng R.A No. 10121 of 2010. Ang NDRRMP na nakapalooban ng apat na thematic na lugar, ito ay ang (1) Disaster Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; at (4) Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa pamamagitan nito, matitiyak ang physical framework, social, economic, environmental plans sa komunidad, lungsod, munisipalidad at mga probinsyang sasang-ayon sa plano.
❖ Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services at public assistance na sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha ay magkaroon ng agarang responde upang may makapagligtas ng mga buhay, mabawasan ang mga epekto nito sa kasalukuyan at upang matiyak ang public safety at matugunan ang mga basic substance na kailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna ay nakatutok sa agaran at short term o panandaliang pangangailangan na tinatawag na disaster relief.
❖ Ayon naman kay Eric (2014), sa kanyang lathalang OCD- Caraga Intensities Disaster Preparedness Training, kinakamit ang pagiging handa sa buong tagaraw upang mapadali ang abilidad ng rehiyon sa pagharap sa posibleng kalamidad bago pa man magsimula ang tag-ulan. May mga pag- aaral na isinagawa ang Environmental Governance and Disaster Preparedness Flooding Resiliency of Caraga Region ayon kay Pantaleon (2006), upang malaman ang katayuan ng resiliency ng Caraga Region laban sa pagbaha, at pagtasa sa apat na kadahilanan ng Environmental Governance. Ang mga ito ay: (1) Forest Ecosystem Management, (2) Fresh Water Ecosystem Management, (3) Coastal Water Ecosystem Management, at (4) Urban Ecosytem Management.