Mga Isyu sa Paggawa
ARALIN 2
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
Nailalahad ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor;
• Natutukoy ang mga suliranin sa paggawa;
• Naipapaliwanag ang mga epekto ng iba’t ibang suliranin sa paggawa;
• Nabibigyang halaga ang mga batas na kumakalinga sa mga manggagawang Pilipino;
• Nakapagmumungkahi ng mga solusyun sa mga suliranin sa pamamagitan ng malikhaing paraan gaya ng brochure/poster slogan o video clip.
I-CHIKA ANG BAWAT OPINYON!
GLOBALISASYON AT ANG MGA ISYU SA PAGGAWA
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba't ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch bunga ng mga 'job-skills mismatch, mura at flexible labor, iba't ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at COVID-19.
Ilan sa mga naging epekto ng globalisasyon sa paggawa ay ang sumusunod:
1. Pangangailangan ng bansa para sa iba't ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng Global Standard.
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
3. Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba't ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
4. Dahil sa mura at mababa ang pasahod sa mga manggagawa kaya't madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Ang mga pagbabagong ito ay nakakaapekto sa mga manggagawa sa iba't ibang aspekto na nagbubunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.
Ang globalisasyon ay nagdudulot ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng pagsali sa mga kasunduan at integrasyon sa ASEAN at WTO. Bilang tugon, ang bansa ay nagtakda ng mga kasanayang kinakailangan para sa global na pamilihan, kabilang ang media at teknolohiya, pag-aaral at pagbabago, komunikasyon, at buhay karera. Ang pagpapatupad ng K-12 ay naglalayong magsanay sa mga kasanayang ito sa mga mag-aaral upang maging globally competitive batay sa Philippine Qualifications Framework.
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DESENTE AT MARANGAL NA PAGGAWA (DOLE, 2016)
Haligi ng Empleyo
Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad na paggawa, at maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa.
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng manggagawa.
Haligi ng Panlipunang Kaligtasan
Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
Haligi ng Kasunduang Panlipunan
Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA'T IBANG SEKTOR
Ang mga manggagawa ay potensiyal na kabahagi ng pangunahing sektor sa ating ekonomiya. Ipinapakita ng mga datos at mga ulat pang-ekonomiya ang papaliit na bahagdan ng mga agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektorhabang papalaki ang nasa sektor ng industriya at serbisyo.
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at pag-angkat ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
MGA SULIRANIN SA PAGGAWA AT EPEKTO NITO
Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Atake rin ang kontraktuwalisasyon sa karapatang mag-organisa at magtayo ng unyon. Ito ay isa sa mga patakarang neo- liberal na ipinalaganap ng mga imperyalistang bansa simula noong huling bahagi ng dekada 70 para mawasak ang kilusang paggawa at makapagkamal ng mas malaking tubo sa harap ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
MGA EPEKTO NITO:
1. Ang mga manggagawa ay hindi binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyo tulad ng mga regular na manggagawa
2. Naiiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth, atbp.
3. Hindi natatamada ng mga manggagawa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit.
4. Hindi maaaring bumuo o sumapi sa unyon ang mga manggagawa dahul walang katiyakan o pansamantala lamang ang kanilang seguridad sa paggawa.
5. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong "employee- employer" sa mga manggagawang nasa empleo ng isang ahensiya.
Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag- aralan nito.
MGA EPEKTO NITO:
1. Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho o mga unemployed.
2. Patuloy na pagtaas ng mga underemployed.
Ito ay isang paraang ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitang ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba't ibang mga bansa.
MGA EPEKTO NITO:
1. Mahabang oras ng trabaho kaya nagkakasakit ang mga manggagawa.
2. Hindi ibinibigay ang iba pang benepisyo ng manggagawa.
Ito ang mababang pagpapasahod ng mga kapitalista sa mga manggagawa ngunit gumugugol ng mahabang oras sa pagtatrabaho.
MGA EPEKTO NITO:
1. Maraming tao ang nakakaranas ng kahirapan sa ating bansa.
2. Maraming mga Filipino rin ang pinipiling makipagsapalaran bilang OFW (Overseas Filipino Workers) sa ibang bansa.
3. Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng "brain drain" sa Pilipinas kung saan nauubos ang mga manggagawa ng Pilipinas dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki.
Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho.
Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip sa isang full-time, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
MGA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA (Ayon sa INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION o ILO)
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok sa pamahalaan ag tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o "Duress"
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid, mayroong nakatakdang edad at mga kalagayan pang-empleo para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA MGA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO
1. Batas ng Pangulo BLG. 442
Batas na nagtatakda ng kodigo sa Paggawa.
2. Commonwealth Act BLG. 444
Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa.
3. Batas Republika BLG. 1933
Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa.
4. Batas Republika BLG. 679
Batas na nagtatakda ng pagkalooban ng MATERNITY LEAVE.
DAGDAG KAALAMAN: https://www.officialgazette.gov.ph/1975/04/02/presidential-decree-no-679-s-1975/
5. Batas Republika BLG. 1052
Nagtatadhana ng patakaran ukol sapagkatanggal ng mga manggagawa
6. Batas Republika BLG. 1131
Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang.
7. Batas Republika BLG. 772
Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho.
YEHEY! Natapos mo ang aralin na ito, halina't subukan ang iyong nalalaman! Sagutan na lamang ang katanungan at pindutin ang button para maka punta sa pahina na naglalaman ng mga katanungan.
References
Araling PanlipunaIkalawang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa
https://youtu.be/9YdPSlw9kBc?si=7aJGZ0OGvnGr8ZUK
https://www.studypool.com/documents/25031745/globalisasyon-at-ang-mga-isyu-sa-paggawa
https://mocoshow.com/2020/03/18/jollibee-is-coming-to-wheaton-mall/
https://receiptprocessing.com/you-may-be-confusing-ai-ml/
https://www.pinterest.ph/pin/689965605408834002/
https://www.youtube.com/watch?v=oPPV8BE26Ww
https://edgedavao.net/cartoons/2017/04/editorial-cartoon-unemployment/
https://www.manilatimes.net/2018/11/12/editorial-cartoons/unemployed/466290
https://careeraheadonline.com/5-hour-workday-the-hourglass-reshaped/
https://www.vecteezy.com/vector-art/10995229-time-concept-drawing-with-flat-objects
https://www.cartoonstock.com/directory/p/pregnancy_leave.asp
https://www.123rf.com/clipart-vector/stick_man_bag.html
https://www.philstar.com/tags/world-day-against-child-labor
https://raffytulfoinaction.com/2021/02/16/kung-naaksidente-sa-trabaho-at-di-tinulungan-ng-kumpanya-sino-ang-dapat-lapitan/